PRIME

204 5 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

DALAWAMPUNG taon na ang nakararaan nung kapanahunan nina Prinsesa Tracy. Nung mga Sandaling yun ay kinoronahan si Prinsesa Teresa bilang Reyna ng Algoria, at inayos ang kasal niya sa Hari ng Hexzellia na si Augustus. Sa mga panahon na yun ay wala pang alitan sa pagitan ng Algoria at Helszia.
At nung panahon pa lang uli nagkaisa ang dalawang kaharian sa ilalim ng pamumuno ng Kuya ni Diego at nina Reyna Teresa at Haring Augustus.











Pero noon pa man ay nakitaan na ng kasamaan sina Diego at Teresina.














"Ate Teresina, bakit hindi ka dumalo sa koronasyon ni Ate Teresa?" Tanong ni Tracy habang kasama niya si Elaine na nasa labingwalong taong gulang  pa lamang.










"Hindi ako pumunta dahil isa siyang huwad na tagapagmana." Usal ni Teresina, at ang sinabi niyang yun ay hindi nagustuhan ni Tracy.











"Hindi mo dapat sinasabi yan Ate...siya ang ating Reyna kaya igalang mo siya" sambit nito.
Napatawa naman ng mahina si Teresina.














"Reyna niyo lang...pero hindi siya nararapat sa trono. Ako dapat! Ako dapat ang Reyna at hindi ang duwag na yun!" Singhal ni Teresina. Itinulak naman siya ni Elaine dahilan para matumba siya sa lupa.

















"Ngayon alam ko na kung bakit hindi ikaw ang pinili nina ama't ina na maging Reyna dahil sakim ka at makasarili" sumbat ni Elaine. Inis naman na napatayo si Teresina at susugudin sana ang kapatid ng pumagitna si Teresa.














"Tama na...pakiusap....huwag na kayong mag-away-away.... magkakapatid tayo. Hindi dapat ganito ang nangyayare satin....tama na.....Ate" naiiyak na sabi ni Teresa, tumalikod naman si Teresina mula sa mga kapatid niya at lumabas ng palasyo.















Samantala......
Sa kaharian naman ng Helszia ay hindi mapakali si Diego dahil hindi niya gusto ang pamamalakad ng mabait niyang kapatid. Bukod dun ay hindi rin siya natuwa dahil kay Augustus, matalik na kaibigan ni Diego, ipapakasal ang tinitibok ng puso niyang si Teresa.











Class of Elites: Dawn Of DarknessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora