SPECKS OF HISTORY

276 6 0
                                    


~~7 months Later~~




ASH'S POV

Pagkatapos ng digmaan ay nagbalik ang dating tahimik at masayang mundo ng Hexeria. Sa pamamagitan ng tulong ng mga diyos at diyosa ay nagbalik sa dating ayos at napaganda ang mga nasira ng digmaan.

"Dito tayo!"

"Ma! Bili tayo niyan....sigeeee na!!!"

"Tara! Habulin niyo ko!"

"Hahaha!"

"Bili kayo....sa murang halaga ng dalawang quadrado!"

Bukod dun ay sabi ni 'tito'  Narwan ay nakipag-usap na ang Nakatataas sa kanila patungkol sa nangyare. Bagama't kaunti na lamang ang bilang nilang mga diyos at diyosa ay wala silang dapat ikabahala dahil pagkalipas ng ilang taon......sa basbas ng Nakatataas ay isisilang ang mga hahalili sa mga diyos at diyosang napaslang sa digmaan.

"Hay naku....pano ba yan Narwan, maghihintay tayo ng ilang taon na naman para sa mga susunod na diyos at diyosa....at sa pagkakataong ito....ikaw na ang magtuturo sa kanila"

"Manahimik ka Axiom, ako naman talaga lagi ang nagtuturo sa mga bagay-bagay dito kaya hindi mo na kailangang ipamukha pa 'yan"

"Hahaha...."

"Huwag kang mag-alala Thalya, magiging maayos ang anak mo sa mundo ng mga mortal"

"Alam ko yun, Cataleya.....ngunit ako'y nangungulila talaga sa kaniya. Kahit anong gawin ko.....hindi ko na mababago ang pasiya niya"

At siya nga pala,ang lahat dito sa Algoria ay walang kasing saya, tila ba walang nangyareng digmaan nitong nakaraang mga buwan. Nagawa na ring manumbalik ng Akademya, at kasalukuya'y...... nagaganap ang seremonya ng pagtatapos ng mga kaklase ko..at kasama na rin ako sa mga magtatapos. Hindi nga lang ako valedictorian dito gaya ng sa mundo ng mga tao.....ay masaya pa rin ako na nandito ako, kasama sila.

"Mathew! Pare!"

"JM nasa'n si Maxwell?"

"I'm here.....what's up"

"Ang papanget niyong lahat"

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now