BEYOND TIME

581 7 1
                                    

~~~Grand Finale~~~

Iminulat ko ang mga mata ko matapos ko ng maramdaman ko ang pagtama ng nakakasilaw na liwanag sa mukha ko.
Tumayo ako at nag-inat, saka ko nakita si Mama na nag-aayos ng mga gamit ko. Napalingon siya sakin at tinaas ang kanang kilay niya.

"Rigel Staid Dawnvell, ilang ulit ko pa bang sasabihin sayo na ayusin mo ang kwarto mo? Lagi na lang makalat dito, at anong oras na ba, tulog na tulog ka pa rin diyan? Tumayo ka na.....tulungan mo ang papa mong magsibak ng kahoy doon...sige na" napahilamos na lang ako ng mukha ko gamit ang kamay ko saka tumayo na ng higaan at lumakad papunta sa may pintuan,aalis na sana ako ng hablutin ni Mama ang braso ko.

"Bakit na naman po?" Inaatok kong tanong. Itinuro naman niya ang higaan kong hindi ko pa naliligpit.

"Hindi ba pwedeng mamaya na?....I'll help Pa, first" reklamo ko, pinagkrus naman niya ang mga braso niya sa harap ng dibdib niya. Kaya napabuntong hininga na lang ako at inayos ang tinulugan ko saka niya 'ko hinayaan na lumabas.

"Kung nakikita ka lang sana nila ngayon.......hayst" turan niya saka umiling at lumakad papunta sa may kusina. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya lalo't hindi ko naman iyon narinig. Napatingin ako sa labas at nakita ang kapatid ko na tumutulong kay papa na magsibak ng kahoy.

"Kuya?.....Pa, gising na si Kuya!" Rinig kong balita ni Ion, napakamot naman ako ng batok ko saka may isang palakol na nabuo sa aking palad at ipinatong yun sa balikat ko. Pagkatapos nun ay lumakad ako papunta sa kanila.

Ion Reese Dawnvell, yan ang pangalan ng nakababata kong kapatid. Ang aking ama ay si Ivan Chris Exyll Dawnvell at ang aking ina ay si Raisiel Vercayz. At kung hindi niyo naitatanong, isa sila sa mga bayani ng Hexeria. Pero hindi sila ang totoo kong mga magulang.....my biological parents are dead....or so it seems.

"Rigel halika dito at tulungan mo kami!" Nakangiting pag-aaya ni Papa. Tumango naman ako at sinimulan ng magsibak ng kahoy.

Nung malaman ko na patay na ang biological father ko, I was devastated.... Kasi ni hindi ko man lang siya nakilala. But I know he's a legend....here in Hexeria. At least I know who he is.....his name I mean.

"Ang lakas mo naman Kuya...." Puri ni Ion, tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti.

"Ganun talaga pagnag-eensayo" sambit ko, tumawa naman ng mahina si Papa.

Naalala ko na nung mga sandaling hinahanap ko ang totoo kong ina ay sinabi nila sakin na......hindi posible na makasama ko si Ina because she died after giving birth to me.

"Kuya.....sasama ka na naman ba samin papunta sa memorial?" Tanong ni Ion, umiling naman ako saka sinibak muli ang kahoy. Huminto naman si Papa at tumingin sakin.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now