CHAPTER 4(PART II)

208 4 1
                                    

~~Prince of Darkness's Clash~~


QUEEN TERESINA'S POV
(Helszia's Reign; Algoria)


Nakaupo ako sa pinakamagandang upuan. Dapat nasa akin to noon pa man. Ngayon na ako na ang nakaupo dito ano naman ang masasabi ng mga nagkamali sa mga pinili nila? Lahat sila puro emosyon ang pinaiiral, puro pag-ibig at katangahan. Yan ang nagiging kahinaan nila dahil hindi ang mga utak nila ang kanilang pinaiiral.

"Komportableng-komportable ka riyan sa upuan na yan, Teresina" saad ni Diego na ngayon ay naglalakad patungo sa kinalalagyan ko. Inalis niya ang suot niyang salakot saka naupo sa kanan ko.

"Dapat lang....sa tinagal ng panahon na inasam kong makaupo sa tronong ito ay  nandito na ako hindi nga ba't dapat lang magpakasawa ako?" Tumawa siya ng mahina saka tumango-tango sakin. Nginitian ko lang siya.

Tama, ikaw rin...dapat mong palayawin ang sarili mo sa tronong iyan dahil hindi magtatagal ipapatapon kita pabalik sa bulok mong kaharian.

"Tama ka diyan, dapat ngang magpakasawa ka...malay natin hindi na ito maulit hindi ba?" Nakangiti niyang turan. Makahulugan ang mga salitang iyon...akala niya siguro na hindi ko alam ang mga ginagawa niya sa likod ko. Hindi ako uto-uto para maloko niya sa mga ngiti niyang ito.

"Hahaha,tama...sa mga salita mong iyan parang may plano kang alisin ako sa landas mo" napatawa siya ng malakas dahil doon, syempre sinabayan ko siya,"hindi mo na kailangang sagutin iyon dahil ako'y magbibiro lamang" pahabol ko.

"Alam ko iyon,mahal" tugon niya.
Tumango lang ako sa kaniya. Maya-maya lang ay pumasok ang aking mga alagad...syempre, kasama ang isa sa mga alagad niya at ang...prinsipeng anak niya.

"Nandito na ho kami...at ipagpaumanhin ko pong iulat sa inyo na----" hindi natapos ni Seven ang sasbihin niya ng biglang magsalita ang kaniyang anak. Ayoko talaga sa batang 'to...walang modo bwesit.

"Gusto niyo ba kaming patayin?!pasalamat niyo at walang nangyareng masama sakin. Tsk! Ama! May kinalaman ka ba dito?" Tanong nito. Napairap na lang ako saka isinandal sa upuan ang likuran ko.

"Anak hayaan mong magpaliwanag ako ang---- " pinutol niya ang sasabihin ng kaniyang ama ng muli siyang magsalita.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now