CHAPTER 19

380 14 1
                                    

~~We're Back and His Wrath ~~


SAGE'S POV

Matapos ang dalawang araw na labanan na yun. Ngayon ang ikatlong pamamalagi namin dito sa Naruwan.
Nakaharap ako sa salamin, habang naga-ayos ng buhok ko...sa gilid ko naman ay inaayusan ni Ate Chantal si Eliszia na bigla na lang natumba nung nakaraan. Alam pala niyang hindi siya dapat tinatawag ang guardian na yun pero ginawa niya pa rin, she could've died back there...kung nalaman yun ni Lloyd... Yieee Ewan ko na lang!

Siya nga pala may piging, o salo-salong magaganap ngayong araw na 'to. Saka babalik na rin kami mamaya kaya mas mabuti nang ienjoy namin ang araw na 'to.

"How do I look?" Tanong ko sa kanila. I'm wearing a cocktail dress. It should not be too much since it's a party...with trolls nga lang. Syempre I have to look perfectly beautiful since my beauty is undeniably addicting... XD walang kokontra okay?

"Ang ganda mo Sage. As expected from a model. You look so well" komento ni Ate Chantal sabay thumbs up. Sana hindi niya ako pinupuri kasi kapatid ako ng boyfriend niya kundi dahil maganda talaga ako. Kasi kung ganun, broken hearted agad ako ngayon XD

"Maganda ka talaga Sage kaya naman it's expected haha..." Sambit naman ni Eliszia. Nagningning ang mga mata ko dahil nakita ko ang dress na binigay sa kaniya ng mga troll. It'll look freakin' good at her.

Yup, ang mga dress na 'to ay mula mismo sa kanila. Aren't they sweet? XD

"Eliszia! Eliszia! Isuot mo na to biliiiiis!" Sabi ko saka inilapit ang dress sa kaniya. Napatawa na lang so Ate Chantal.

Wala namang nagawa si Eliszia kundi isuot ang dress na yun. And she looks so adorable on it.

PS. Pretty gorgeous I mean:>

Ng makarating kami sa party, ay napanganga ako. Wtf, nasaan na ang mga trolls? All that I see here are handsome gentlemen and gorgeous ladies. Ng makita namin ang mga kasamahan namin ay agad din kaming lumapit sa kanila..

"Welcome,ladies and gentlemen since dumating na silang lahat. Nais ko lang sabihin na maraming salamat sa pagdating ninyong lahat. Lalo na sa ating mga panauhin na ipinadala ng Algoria para tulungan tayo. Maraming salamat sa inyo, ako nga pala ang Hari ng Naruwan, ang pangalan ko'y Dawn Davis" nagulat ako ng ianunsiyo niya na siya ang hari ng Naruwan. I mean, aren't he supposed to be a troll too? Bakit ang gwapo niya? Amp!

"Catherine huwag tulo laway okay?" Natatawang saad ni Miss Raisiel, napailing naman si Catherine saka sinamaan ng tingin si Miss Raisiel.

"Nasaan na ang mga troll? Bakit wala ata akong makitang troll ni isa?" Tanong ni Grim. Oo nga, kanina ko pa rin napapansin na walang mga troll dito. Saka sa'n nanggaling 'tong mga taong 'to.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now