XXV

158 7 0
                                    

~~Paint the Battlefield with Blood~~

THIRD PERSON'S POV
Nakatingin lang si Silena kayna Harmony at Timbre na naglalaro sa bakuran nila. Nilapitan siya ng kaniyang ina, hinawakan siya nito sa braso niya....nagbalik sa utak niya ang nangyare bago umalis si Sage para sa digmaan.


Gabi noon ng kausapin siya ng kaniyang ina. Madilim na,hatinggabi, at natutulog na ang lahat. Pero si Silena ay nasa labas, nagsisigarilyo. Nilapitan siya ng matanda, dahil dun ay napatigil siya.

"Gabing-gabi na Lena,Anong ginagawa mo dito sa labas?" Tanong ng matanda, napangiti naman ng tipid si Silena, na para bang makikita iyon ng matanda.

"Nag-iisip-isip lang ho" sagot nito, napatawa naman ng mahina ang matanda at napabuntong hininga.

"Hanggang Kailan mo ba pahihirapan si Saly,Lena? Hindi niya kasalanan ang pagkawala ni Hadji, at lalo siyang walang alam sa nangyare sa inyo ng tunay niyang ina sa nakaraan" sabi nito, napahinga na lang si Silena saka inalis sa bibig niya ang sigarilyo nito.

"Ma, mahirap kalimutan ang lahat ng bagay na nangyare sakin at sa kaniyang ina at hindi ko magawang bumait sa kaniya dahil bawat pagkakataon na nakikita ko siya naaalala ko si Crisanta at ang pagtataksil sakin ni Hadji....it pains me every time, kasi sa existence ni Sage parang pinapamukha sakin ni Crisanta na mas minahal siya ni Hadji, at mang-aagaw lang ako. Besides, she'll despise me in the end" nabitawan ni Silena ang sigarilyo niya saka iyon inapakan. Napahawak siya sa noo niya, at nagpigil ng luha.

Yinakap naman kaagad ng matanda ang kaniyang anak. Umihip ang malamig na hangin, napabitaw naman ang matanda dito.

"Let go the past hija, kung may kasalanan si Crisanta sayo.... walang kinalaman ang batang iyon. Alam mo ba kung bakit napunta sayo si Saly? Lena ako ang nagpakuha kay Saly sa kaniyang ina para tuluyan na siyang layuan ni Hadji, kung iniisip mo na kasusuklaman ka niya....I'll shoulder it all for you. Let her in,Lena...iniwan ni Hadji ang kaniyang anak sayo dahil naniniwala siya na mamahalin mo siya gaya ng pagmamahal mo sa kaniya. Think of her as your man's daughter, not his other woman's."
Tinapik niya ng mahina ang balikat ng kaniyang anak, napatingin naman sa malayo si Silena, bumuntong hininga siya.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now