CHAPTER 12(PART II)

193 8 0
                                    

~~Mask~~

ASH'S POV
Nagulat ako ng itulak ko siya.
At naitulak ko talaga siya? Napatingin ako sa mga kamay ko, hindi na ako nakakadena. Teka anong nangyare?

Napatitig ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Nakasuot ng mahabang bistida, napakaganda niya, para bang kaedad ko lang siya... Hindi ako makapaniwala, she's closer than I ever thought. A goddess indeed

"Nagtataka ka ba?" Nakangiti niyang tanong. Unti-unti rin niyang pinunas ang luha sa pisngi niya. Hindi gaya nung una ay hindi na siya umiilaw.

"Kanina lang---- did you do it?"
Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sakin at hinawakan ang pisngi ko.

"Pasensya na, ngunit maaari mo bang sabihin ang katanungan mo sa linggwaheng maiintindihan ko,aking anak?" Nakangiti nitong tanong saka bahagyang lumayo. Napaubo naman ako ng peke dahil sa kapalpakan ko. Oo nga naman Ash!

Pero teka, wala na talaga ang mga kadena ko at nakakagalaw na ang katawan ko ayun sa kagustuhan ko.
Napatingin ako sa kaniya at bakas ang pangungulila,pananabik at kasiyahan.
Nakakagulat, hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya. Tinawag niya akong anak, siya na ba ang aking ina?

All my life I believed I'm nothing but a normal person, until I came here....I thought I'm just a mortal...and now I feel like I got promoted... Akalain mo yun, anak pala ako ng isang diyosa at isang tao...basically I'm a demigod here.

"Pasensya na....hindi ko alam kung saan ako magsisimula----" hindi ko pa nga natatapos ang sinasabi ko ay yinakap na naman niya ako ng mahigpit, matapos humiwalay sakin ay tinitigan niya ako at saka ngumiti.

"Ang laki mo na....alam mo ba na bago ako magpunta dito ay marami akong gustong sabihin sayo? Pero ng nakita kita ay biglang nablanko ang utak ko. Ilang salita lamang ang masasabi ko para sayo.... patawarin mo ko" gumuhit ang lungkot at pagsuyo sa mukha niya.
Hindi siya basta-basta lang na tao, actually diyosa siya...pero sa nakikita ko, wala naman siyang pinagkaiba samin. Gaya ng iba pa, nagmamahal lang rin siya ng anak.

"Huwag kayong humingi ng tawad.
Marami rin akong katanungan, pero sa ngayon...maaari ko ba kayong tawaging Mom/Mommy na katumbas ng salitang ina sa linggwaheng gamit mo?" Natutop ng babaeng nasa harapan ko ang kaniyang bibig tsaka tumango habang pinipigilang maiyak muli.

Bakas sa mukha niya ang kasiyahan,
she's really happy to see me. To reunite with me, pero hindi ba parang ang bilis ng mga pangyayare? I was just back there, chained in my mind as a basic consciousness tapos ngayon nakawala na ako at nasa harapan ko na ang aking ina? Nakakalito lang. At nakakaduda.

"Ash ang tawag nila sayo hindi ba?"
Tanong nito tumango naman ako. She's just there, standing beside the window. Goddesses are really pretty huh....

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now