XXVI

157 6 0
                                    

~~Disappointment~~

~~ABYSS~~

NILAPITAN na lang ni Cataleya ang kaniyang kaibigan na ngayon ay umiiyak. Naupo siya sa tabi nito, marahas na pinunas ng babae ang kaniyang mga luha at tumingin sa naoakaganda nilang hardin. Napakaraming bulaklak doon, kalmado ang tubig na umaagos sa isang maliit na talon. Ang mga paru-paro ay naglilipana....

"Thalya...." mahina nitong tawag sa kaniya. Nilingon siya nito at nginitian ng mapait.

"Hindi ko alam kung bakit ayaw ng nakatataas na protektahan natin ang mga taga-Algoria. Hindi patas ang laban, at ang aking anak.... nararamdaman kong unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagkadismaya sakin." Nanghihina nitong sabi, napatango naman si Cataleya sa sinabi ng kaibigan.

Ang totoo niyan ay handa na silang tumulong sa mga Algorian ng harangin sila ng nakatataas, hindi sila hinayaan na makalabas ng kaharian sa langit. Sinabing, hayaan nila na ang mga mortal ang umayos sa sarili nilang mga gulo, at ang mga diyos at diyosa na naroon ay siya na mismo ang kakausap....

Nagprotesta si Thalya, pero wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Hindi nila pwedeng suwayin ang kagustuhan at desisyon ng nakatataas.


"Thalya, alam ko naman na naiintindihan ni Ash ang lahat ng 'to. At isa pa, alam ko naman na ginagawa lamang ng nakatataas ang tama. Maghintay na lamang tayo...." Mahinahon na sabi ni Cataleya, napailing naman si Thalya sa sinabi ng dalaga.

"Hanggang kailan tayo maghihintay, Cataleya? Hanggang sa wala na ang mga Algorian? Hanggang sa wala na ang anak ko?" Mariin na tanong ni Thalya, napailing naman si Cataleya saka yinakap na lang ang kaibigan.

"Naiintindihan ko ang  nararamdaman mo, mabait at matalino na tao. Wala kang dapat ipag-alala sa kaniya. Manalig na lamang tayo" mahinahon nitong sabi.

Nag-aalinlangan man ay tumango naman si Thalya. Tumayo sila at saka sila sinalubong nina Narwan, Axiom at Demeanor. Naglakad sila papunta sa bulwagan. Doon ay nakita nila, sa isang malaking kawa ang kawalan ng Algoria sa digmaan.

"Ang anak ko...." Natutop ni Thalya ang kaniyang bibig ng makita niya ang kalagayan ng kaniyang anak.

"Namana niya ang apoy mo,Thalya. Kaya niyang matalo ang tatlong yun" masayang sabat ni Axiom.

"Kung gagamitin niya iyon,lalo't kalahating tao pa rin siya.... Unti-unti nung hihigupin ang mahika sa katawan niya" dagdag naman ni Demeanor. Naitukod na lang ni Thalya ang kaniyang mga kamay sa mesang nasa harapan niya.

"Ibig sabihin....kailangan ko siyang pigilan" sabi ni Thalya sa kaniyang sarili.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now