CHAPTER 37

246 8 1
                                    

~~Chain of Memories~~


ASH'S POV

Ang gulo ng utak ko ngayon, hindi ko alam kung bakit masyado kong inaalala ang mga nangyayare ngayon.
Dahil ba sa kabilang na 'ko sa Algoria kaya masyadong big deal sakin ang lahat ng 'to? O dahil lang 'to sa intuition ko na nagsasabing dapat may gawin ako considering the fact that back in mortal world I'm always the leader of our organization so I have this sense of responsibility in me.

Matapos ang usapan namin kagabi ay umalis na 'ko doon. Nakasabay ko sina Azaela at Snow, kaso hindi naman nila ako pinansin until we go our separate ways.

Another day na naman ngayon,hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko pagod na pagod ako. Nagbre-breakfast kami ngayon dito sa cafeteria. Kasama namin ang buong grupo. Sina Emory,Vex, Azaela,Sam, Jerome,Lloyd, Eliszia,Emprez,Mathew, Kuya and....teka may kulang.

"Nasaan sina Sage at Xchindy?" Tanong ko, nagkatinginan naman silang lahat.

"Marahil ay hanggang ngayon natutulog pa rin" sagot ni Emory.

Napatango na lang ako sa sinabi niya.
I never thought that those two are both Sleepyheads. Even so, I'm a bit worried kay Sage. Speaking of Sage---

"Has any of you talked to Sage since last night?" Tanong ko sa kanila.
Napatingin naman sila sakin at saka napaisip.

"Hindi ko pa naman siya nakakausap, kayo ba?" Tugon ni Eliszia. Napailing naman rin yung iba.

Based on her reaction, I doubt that she'll be okay....pero hindi naman yun ganun kalaking issue diba? Her date just bailed her, and apparently I can see she like him...wait...that is an issue alright.

"Don't worry nakausap ko siya so....she'll be fine siguro nagka-after shock lang siya you know" Banat ni Kuya na kakaupo lang sa may table namin. Natutulog pa kasi siya kanina kaya iniwan ko na.

"Ang galing,nakakonek ka agad sa pinag-uusapan namin" may pagkasarkastiko na saad ni Emprez.

Tumango lang si Kuya at naupo sa tabi ko. Nagpatuloy na kami sa pagkain namin, hanggang sa umihip ang malamig na hangin at tumambad sa harapan namin si Jewel na may pag-aalala sa mukha.

"Pwede ba akong sumali sa inyo?"
Malungkot nitong tanong. Nanlaki ang mga mata namin at napatayo din kami agad.

Halos yumuko ang lahat ng tao dito sa cafeteria ng mapansin nila ang presensya ng prinsesa sa harapan ng lahat. Sumenyas naman si Jewel sa lahat na bumalik sila sa dati nilang ginagawa. Gaya ng nais nito ay sumunod din kami....

"Ma--- Jewel, ba't napunta ka dito?" Tanong ni Vex sa kaniya. Naupo naman si Jewel at napahalukipkip.
Halatang-halata ang pagkamalungkot niya. May problema ata siya....

"Hindi pa kasi umuuwi si Kuya simula nung party kagabi....hindi naman siguro siya nagkamali ng inuwian diba? At mas lalong hindi siya uminom, baka naman inuwi na siya ng mga babae dun sa party. Ayoko na may kumuha sa Kuya ko!!!!" Parang batang nagta-tantrums si Jewel kaya naman ngumiti na lang kami sa kaniya....awkwardly.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now