CHAPTER 1(PART II)

313 10 3
                                    

~~The Darkness and Me~~


THIRD PERSON'S POV

Dalawang buwan na ang nakararaan simula nung masakop ng tuluyan ng Helszia ang Algoria. Walang araw na hindi nagdadaan na hindi natatakot ang mga nakaligtas sa kamay ng Helszia para sa mga buhay nila. Most of them got trauma, at ang iba ay patuloy na natatakot,nag-aalala para sa mga kaibigan at kapamilya na nahuli ng mga kalaban.

"Namimiss ko na sina Emprez, kumusta na kaya sila" naiiyak na saad ni Sheena. Napatango na lang ng ulo niya si Glydell.


"Nag-aalala ako sa kalagayan nina mama alam mo ba yun. Mas lalo akong nawawalan ng pag-asa pagnanghihina na rin ang loob ng kaibigan ko" nakangiting saad ni Glydell. Inilapag naman ni Lloyd sa harapan nila ang tray ng mga pagkain.

"Tama na yan, kumain na kayo.
Baka ikamatay niyo pa ang kakaalala sa mga yun. Tandaan niyo, may bukas pa..may plano pa na isasakatuparan" masunget na saad ni Lloyd saka nilisan ang kaniyang mga kaklase doon.


Simula nung nangyare ang pagsakop sa Algoria,simula ng mawala ang mga kaklase/kaibigan/minamahal ay nagbago na ang iilan sa kanila. Of course there is two side of the story, sabi nga nila....change has two side like a coin does. One is a change for the best....and one is for the worst.


"Emory, hindi mo kailangan na magsanay ng ganito palagi. Magpahinga ka naman" pag-aalala ni Dwayne, nagtrai-training sila. Actually, laging nagtrai-training si Emory araw-araw kaya minsan nagkakasakit na siya.


"Hindi Dwayne, hindi pa ako malakas. Kahit nga ikaw hindi nahihirapan sa mga atake ko....pano pa kaya kung sila na mismo ang makakalaban ko. I'm not good enough" seryosong tugon ni Emory, saka nito ikinuyom ang kamao niya. Sinugod niya muli si Dwayne, bawat hampas niya ng espada niya kay Dwayne ay ala-alang naaalala niya kay Vex, at sa mga kaibigan niya na nakuha ng mga Helszians.


"Hindi mo dala lahat ng problema sa mundo Emory, hindi mo rin kailangan na maging responsable sa mga nangyayare. Nandito kami, ibalato mo naman samin ang iba hindi na puro na lang sayo" sabi nito habang walang kahirap-hirap na sinasangga ang mga atake ni Emory.
Bahagya siyang yumuko saka niya iwinasiwas ang espada niya dahilan para tumilapon ang espada ng dalaga. Itinutok niya ang talim ng espada niya sa lalamunan ng dalaga.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt