Chapter 23: Official Lovers (Ikalawang yugto)

24K 473 40
                                    

Yuan

Nakatingin lang ako sa natutulog na si Zia habang hinahamplos ko ang buhok nya. Ngumiti ako ng bahagya. Biglang kasing pumasok sa isip ko ang ginawa kong pag iyak sa harap nya. Tangina lang, alam kong kabaklan yun sa part ko pero, hindi ko napigilan ng makita ko syang naiyak dahil sa nangyaring eskandalo, at alam kong dahil yun sa akin. Nagagalit ako sa sarili ko, dahil ako ang dahilan kung bakit sinugod sya ni Trixie at ng baklang kaibigan ng huli.

Kung hindi ko sya iniwan, para puntahan si Meanne, hindi sya mapapahamak. Gusto kong bugbugin ang sarili ko, dahil hindi ko na alam kung dapat kong gawin. Hinaplos ko ang pisngi nya at buong lambing syang tinitigan. Kahit kailan talaga, sobrang ganda nya sa pangin ko, parang bang wala ng hihigit pa sa kanya. She’s enough for me.

Nalukot ang mukha ko ng makita ko ang mga gasgas sa braso nya at pasa sa mukha nya. Gusto kong patayin ang baklang gumawa nito sa kanya, pasalamat nalang talaga si Trixie dahil babae sya, kundi, baka nakatikim din sya ng suntok sa akin. Kung ako nga, hindi ko pa kahit kailan na saktan si Zia ng physical, ni ayoko ngang madapuan ng lamok, tapos ngayon makikita ko lang na sinasaktan ng kung sino lang. Taena nila. kung hindi lang kasalanan ang pumatay baka nagawa ko na kanina, sa sobrang galit ko.

Natigil ang pag iisip ko ng gumalaw si Zia at nag mulat ng mata. Inalis ko ang kamay sa pisngi nya ng tumingala sya sa gilid ko.

“Yuan, anong oras na?” Tanong nya. Tumingin ako sa wall clock.

“3pm na.” Sagot ko. Napabangon sya at inayos ang buhok. Kumunoot ang noo ko.

“Bakit hindi mo ako ginising, may klase pa ako eh.” Maktol nya sa akin. Napaka-time addict talaga. I wrapped my arms around her waist and pulled her closer. Mag kalapit na ang mga mukha namin.

“Pagod na pagod ka kasi kanina, sabi pa nung nurse mag pahinga ka nalang daw at kumuha nalang ng excuse letter, para sa mga klase mo, saka ang sarap ng tulog mo, paano ko naman maaatim na gising ka.” Malambing ko paliwanag sa kanya. Hindi nya inalis ang mga kamay ko, I even put little kisses on her neck, pero hindi nya parin ako pinigilan. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Meanne nung nasa foundation kami. Si Zia daw yung klase ng tao na hindi mahilig sa PDA at mas gusto ng tago lang, yung silang dalawa lang. Parang kami ngayon. Yakap ko si Zia  habang hinahalikan ko ang leeg nya. Damn my desires.

Dati kasi hindi ko maintindihan, kung bakit ang sungit nya sa akin kapag maraming tao, pero kapag kaming dalawa lang, hanggang langit nakakarating kami.

“Yuan, baka may pumasok, tigilan mo nga yang ginagawa mo!” Saway nya saka pilit na nilalayo ang mukha ko. Tumawa lang ako at binigyan sya ng magaan na halik sa labi. Kumalas ako sa yakap. Mahirap na baka magalit. Bugbug sarado na naman ako.

“Sorry naman, ang hot mo kasi, hindi ko mapigilan.” Nakangisi kong wika. Umiling lang sya at umirap sa akin. Gustong-gusto ko talaga kapag tinatarayan nya ako, nakaka-turn on. Sasagot pa sana sya ng bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ni Zia sa nakita.

“So it’s true?” Wika ng bagong dating.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon