RESOLUTION

309 9 0
                                    

~~Their Reign~~


ASH'S POV

Mga pagsabog ang naririnig ko.
Mga taong aligaga ang nararamdaman ko. Pagmulat ng mga mata ko ay puting silid ang bumungad sa mga mata ko. Naupo ako sa kama, at inilibot ko ang paningin ko. Walang ibang tao dito. Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. Bumungad sakin ang mga healer na hindi magkandaugaga dahil sa mga pasyente nila. Pasyente...nila?

Shit! Anong nangyare matapos kong mawalan ng malay??

Sinipat ko ang braso ko at ang noo ko. May mga benda ako sa katawan. Pano ang iba? Ligtas ba sila? Anong nangyare kayna Xchindy at Vex? Bakit may mga pagsabog....anong nangyayare???

"Utol, gising ka na pala" nakita ko si Kuya na nakangiti sakin pero maraming galos sa katawan.

"Anong nangyayare?" Tanong ko sa kaniya. Sinipat niya ang katawan ko at nagpakawala siya ng buntong hininga.

"Mabuti naman at okay ka. Akala ko kung ano na ang nangyare sa'yo buti na lang talaga at hindi malala ang mga sugat na natamo ninyo" my jaw stiffened dahil hindi niya sinasagot ang mga katanungan ko.

"Anong nangyayare?! Kuya sabihin mo sakin! Nasaan sila?!" Singhal ko. Yumuko siya ng bahagya at tumingin sa labas.

Pagtingin ko doon mula sa bintana ay hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit naglalabanan ang mga tao sa labas? Napalingon ako pabalik kay Kuya at saka ko sinubukang umalis. Pero pinigilan niya ako.

"Kuya...kailangan nating tumulong sa kanila. If we're going to stay here they'll die out there. Obviously our force is being suppress, kailangan nating tumulong sa kanila" muli kong sinubukan na kumawala sa kaniya pero umiling lang siya at tinulak ako pabalik sa harapan niya.

"Ash, wala na tayong magagawa. We need to leave this place, ang iba ay dahan-dahan na nilang pinaalis. I was just waiting for you to gain your consciousness. Kailangan NA nating lisanin ang lugar na 'to dahil hindi na natin kaya ang pwersa nila. They're unstoppable Ash. Nasa kanila ang hiyas ng Contreras na nasa akin. Hindi namin alam kung pano nila nakuha yun. Nasa atin man ang dalawang hiyas, hawak naman nila ang gem of destruction. Ash we gotta move out! Wala na tayong oras" paliwanag ni Kuya. Napailing na lang ako dahil hindi na maabsorb ng utak ko ang mga nangyayare.

Parang kailan lang, everything was fine and rainbows. Pero sa isang iglap nangyare 'to. I promised that I won't let this happened, na may gagawin ako. Pero ang hina ko, napakahina ko.

"Sina Jewel,Akil, at Headmistress Elaine?? Nasaan sila?" Tanong ko.
Ayos naman sila diba? They have to be.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now