Chapter 18: Separate ways

21.8K 389 48
                                    

Yuan

Nakatingin ako kay Meanne habang tawa sya ng tawa. Nasa isang table kami at kumakain. Okay lang naman sa akin dahil masarap syang kasama at ang dami nyang kwento saka busy si Zia kaya nakakatulong ang kakulitan ni Meanne para hindi ako mainip.

“Yuan, alam mo bang gwapo ka?” Tanong nya. Nakatitig lang sya sa mukha ko na parang ngayon lang nakakita ng katulad ko. Natawa ako. Para syang bata dahil hindi sya nahihiyang mag tanong ng kahit anong maisipan nya.

“Oo alam ko. Marami din nag sasabi na gwapo ako saka sanay na ako.” Balewala kong sagot ko. Nilapit nya ang mukha sa akin. Nagulat ako pero hindi ako umiwas. Ngayon ko lang natitigan ang mukha nya. Maganda sya. Ang hula ko pa, may dugong amerikano sya .

“Pwede ko bang hawakan yung ilong mo? Ang tangos kasi eh.” Wika nya. Tumango ako. Nakakatuwa talaga sya. Napapikit ako ng ipadulas nya ang index finger nya sa ibabaw ng ilong ko. Nakaramdam ako ng kilabot.

Shit, anong nangyayari sa akin?

“Ang kinis mo talaga…” Bulong nya. Napamulat ako ng makita kong palapit ang mukha nya sa akin.

“Kids! Halina kayo dito! Mag lalaro tayo!” Saka lang ako natauhan ng marinig ko ang sigaw ni Zia. Umiwas ako sa palapit na mukha ni Meanne. I know that she’s seducing me. She likes me.

“Yuan, tara punta tayo doon, tulungan natin sila.” Yakag sa akin ni Meanne. Tumango ako saka sumunod sa kanya. Hinawakan nya ako sa kamay. Hindi  ko nalang pinansin ang ginawa nya dahil ayoko syang mapahiya.

Ang sama ng tingin sa akin ni Zia at hindi ko alam kung bakit. Pag katapos ng palaro ay nag announce ang isang volunteer ng may hinanda daw ang mga bata. Isang kanta para sa birthday ni Zia. Tahimik kaming nanuod habang nag pe-perform ang mga bata ng biglang dumating si Luigi.

Tinakpan nya ang mga mata si Zia at bumulong. Kitang-kita ko naman ang pag ngiti ni Zia. Bigla akong na badtrip, lalo na ng halikan ni Luigi si Zia sa labi. Tang-na sa harap ko pa talaga. Parang ahas na nakapulot ang mga braso ni Luigi sa bewang ni Zia habang nakatayo sila. Naikuyom ko naman ang kamay sa sobrang inis.

“Ay nandyan na pala si Luigi. Ang sweet nila ngayon ah.” Parang nagulat na wika ni Meanne. Tumingin ako sa kanya.

“Bakit? Hindi ba sila sweet kapag nandito sila?” Tanong ko.

“Hindi naman, kaya lang kasi si Zia yung klase ng tao na hindi mahilig sa PDA mas gusto nya yung tago lang, yung silang dalawa lang.” Wika ni Meanne. Maisip ko palang kung anong ginawa ni Luigi at Zia ng silang dalawa lang parang gusto ko ng sumabog sa galit.

“Ahhh.. ganun ba.” Tipid kong wika. Nilagay nya sa braso ko ang isang kamay.

“Ang swerte nga ni Luigi dyan kay Zia eh kasi kahit hindi sya kagwapuhan minahal pa rin sya ni Zia. True love talaga ang meron sila. Ako kaya? Kelan mag kakaroon ng true love ko?” Parang naiingit na wika nya. Saktong nag tama ang mga mata namin ni Zia. Bumaba ang tingin nya sa mga braso namin ni Meanne. Nalukot ang mukha nya at hindi na muling tumingin pa sa side namin.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon