CHAPTER 10

620 15 2
                                    

Exam Preparation
~•~

SAGE LYRA PIMENOVA

Ng magising ako ay madilim-dilim pa sa labas. Napabuntong hininga na lang ako saka tiningnan ang roommate ko. Ang likot talagang matulog ni Xchindy, she's even drooling. How gross....

"Gusto ko sanang magluto pero....natutulog pa naman si Xchindy...wait, tulog pa si Xchindy!" Biglang nagningning ang mga mata ko dahil first time na nauna akong magising sa kaniya. Ibig sabihin pwede ko na silang matawag!

"Poppy! Vanilla!" Tawag ko sa mga pixies ko. Ah yah, I have pixies they're my friends since I remember. Sabi ng aking ama noon ay may nailigtas daw siyang pamilya ng mga pixies. Bilang kabayaran daw ng nagawa niyang kabutihan, ang dalawa nitong anak ay magsisilbi sa anak niya,at ako yun:)

Si Poppy ay isang Fashion Pixie. Siya ang nag-aassist sakin sa bawat photoshoot ko. Syempre siya ang gumagawa o pumipili ng mga outfits ko. Fashion Freak rin siya:)

Si Vanilla naman ang Food Pixie ko.
Magaling siyang magluto o gumawa ng pagkain. Food freak siya..at noon siya ang gumagawa ng pagkain if there is time that my brother is not around and mom is not giving me food. Hihi:'>

"Matagal-tagal ding hindi mo kami kinakausap ah" saad ni Vanilla sa maliit niyang boses. Ganumpaman, mas bossy yun kesa kay Poppy.

"Namiss kitaaaaa!!" Hyper na sambit naman ni Poppy saka yinakap ang pisngi ko.

"Hahaha namiss ko rin kayo. Vanilla! Igawa mo kami ng pagkain" utos ko sa kaniya. Tinaasan naman niya ako ng kilay saka nagbuntong hininga.

"Oo na oo na..." Nagbago ang kasuotan niya at naging parang chef na ang outfit niya. Ang cute niya kasi ang liit niya wieeee:>

"Lady Lyra! Lady Lyra! Okay lang ba talaga na nagpapakita kami ngayon? Okay lang ba na makita niya kami?" Nag-aalalang tanong ni Poppy habang nag-aalangang tumitingin sa natutulog na si Xchindy.

=__= babae pa siya sa lagay niya na yan? Ang likot matulog ah...buti na lang hiwalay ang higaan namin kundi....

×.× rest in peace sakin

"Huwag kang mag-alala...tulog 'yan" bulong ko sa kaniya. Tumango naman ito sakin habang magka-intertwine ang mga kamay niya sa harap ng dibdib nito.

"Ayaw naming....masunog gaya ng nangyare kay Papika...kawawang papika hanggang ngayon hindi makalipad dahil napulbos ang pakpak...akala niya talaga mga langaw kami...nakakadismaya talaga!" Paghihimutok nito habang nakakrus ang mga braso sa harap ng dibdib nito, nakalobo rin ang mga pisngi nito halatang naiinis siya.

Class of Elites: Dawn Of Darknessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें