Epilogue: The Last Confession

10.6K 167 12
                                    

Epilogue: The Last Confession

 

“Armaments?” simpleng tanong ko na hindi siya tinitingnan. Abala ako sa pag-aayos ng laman ng bag ko.

“Nasa armored tank na,” sagot nito saka inagaw ang bag na dala ko. Malamig ko siyang tiningnan pero ngitian lang ako nito ng malawak habang napapakamot pa sa batok niya. Nilagpasan ko na lang siya at inunahan na lumabas ng office. Narinig ko ang mga yabag nito ng paa sa likuran ko habang tinatahak ko na ang daan palabas.

Nasa underground kasi kami ngayon para asikasuhin ang transaction namin ng mga baril sa pagitan ng PACT Mafia. Wala nga sana ako dito ngayon dahil may usapan kami ni Oz na pupunta kami sa mall mamaya kasama ang kambal, kaya lang dahil si Black Rabbit ang katransact namin, pumayag na ako. Bukas na kasi ang birthday ng dalawa at mas excited pa siyang bumili ng mga damit nito. Para namang debut na ng mga bata kung paghandaan niya. Oo, kakaiba maging tatay si Oz. Kasing OA ni papa. Sa haba ng panahon, dahil sa kambal ay nagkasundo silang dalawa. Parehong over protective at over reaction. Si mama naman, wala, ganoon pa rin. Walang pinagbago. Medyo nadagdagan lang ang saya niya lalo na kapag siya ang nag-aalaga kasi feeling niya daw bagong nanay ulit siya. Nilalayo ko naman si Aldous sa kambal kasi puro kahalayaan at pagyayabang ang alam. Ang bata-bata pa ng dalawa, wala pa ngang muwang sa mundo tapos kinukwentuhan na kung paano magkaroon ng perpektong abs at muscles at kung paano magiging chic magnet. Magtatopless sa harapan ng dalawa tapos sasayawan. Medyo kadiri nga daw, sa term ni Charm.

Sa loob ng isang taon, wala pa rin namang nagbago dito. Walang nagbago sakanila pero sakin, mayroon, dahil nagkaroon na ako ng sarili kong pamilya. Kung dati nauubos ang oras ko sa pagbabasa at pag-iisip ng problema, ngayon naman nauubos ang oras ko sa pagbawi ng tulog dahil nakakapuyat ang kaharutan ng kambal. Minsan na lang nga rin ako dumaan dito sa underground dahil abala na rin ako sa pag-aalaga sa kambal at syempre sa pag-aalaga sa ama nila. Mabuti na nga lang at nandito pa si Spade para asikasuhin ang underground. I am thinking of transferring him the power of handling the U. Soc. kung hindi ko lang pinoproblema ang pagiging pasaway niya nitong mga nakaraang araw. Tss. Nakagraduate na si Oz at siya na ngayon ang may hawak sa kompanya nila habang ako naman ay nahinto sa pag-aaral ng second semester. At hindi ko pa rin naipagpapatuloy dahil gusto ko muna sulitin ang oras na makapag-alaga sa dalawang bata. Sinabihan naman ako nina mama na sila muna ni papa ang bahala mag-alaga pero humingi ako sakanila ng kahit isang taon para makasama ang mga anak ko, at pumayag  naman sila. Kaya ito, sinusulit ko na nga.

Dumiretso ako sa nakaparadang yellow jaguar sa labas ng underground. Syempre I’m on wheels. Sumakay na rin si Spade sa shotgun seat at tahimik na ibinaba ang bag ko sa backseat. Pinagmasdan ko naman ang iilang tauhan namin na dumiretso sa armored tank kung saan nilagay ni Spade ang mga armas. Napahikab ako habang nilalagay sa ignition ang susi. Alas tres pa lang kasi ng madaling araw at dalawang oras ang layo ng pier mula dito. Doon kasi ang meeting place namin for transaction. Alas singko makakarating doon at alas syete makakabalik- kung mabilisan lang ang palitan. Uuwi pa ako sa mansion para lang magpalit ng damit at ayusan ang kambal.

“Ako na lang kaya ang magdrive?” nag-aalalang sambit ni Spade sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya at inirapan. Akala niya ba natutuwa ako sakanya? Hindi. Hindi niya ako madadala sa pagiging matulungin at pag-aalala niya. Hindi pa rin ako boto. Hindi niya pa rin mababago ang isip ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga nangyari noong isang araw. Hindi ko matatanggap ang babaeng ‘yon. Hindi ko gusto ang babaeng nililigawan niya- oh correction, hindi nga pala siya pinayagan manligaw ng babaeng ‘yon. Nanliligaw siya sa sarili niyang kagustuhan. Tss.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon