Confession 08: Wizard Tailing The Goblin

15.3K 249 7
                                    

Confession 08: Wizard Tailing The Goblin

Aldous’ POV

 

“Black Royal Tono Gang? Psh. Kalokohan.” Nangalumbaba na lang ako sa armchair ko habang iniisip na walang makukulit na babae sa paligid ko. Hindi ko na lang sila pinansin dahil kikiligin na naman ang mga 'yan oras na kinausap ko ang kahit na isa sa kanila. That’s how popular I am kahit na transferee lang ako rito. Pakitaan ko lang ng abs ang mga 'yan, maglalaway na agad.

“Goodmorning, Colix.” Tiningnan ko ang bumati sakin na si Clover, bagong dating lang saka ito umupo sa katabi kong bakanteng upuan sa bandang kanan ko kasunod nito ang bakulaw na si Charm, as usual wearing her irritated face. Hindi ba marunong ngumiti ang babaeng ito? Hindi na ako magtataka kapag maagang nangulubot ang mukha nito.

Binalingan ko na lang ng tingin si Clover kaysa mahawa ng kasungitan sa babaeng nasa kaliwa ko. “Naunahan kita ngayon a,” I start to say. She smiled at me before nodding.

“Si kuya kasi late nagising tapos si papa naman tinatamad bumangon kaya nagpadaan pa ako kay Charm sa bahay para sumabay pumasok.” Mabilis kong tiningnan si ang bakulaw sa kaliwa ko pero nakayuko lang ito sa armchair niya habang nakasuot na naman ng headphone.

“Siya pala ang may kasalanan kaya ka nalate?” sinadya kong medyo lakasan para marinig ng bakulaw. “Dapat kasi wag ka ng aasa diyan para hindi ka nalelate,” dugtong ko pa. Hindi naman ako nagkamali ng iangat ni Charm ang ulo niya saka masama akong tiningnan pero nanatili itong tahimik. Nginisihan ko lang siya para mas mainis siya.

“Ah ano kasi Colix e…” nilingon ko ang nakayukong si Clover. “Ang totoo kasi niyan, siya pa ang nalate dahil sakin,”

 

“Ha?”

 

Bahagya itong tumango. “She’s on her way here ng tumawag ako kaya binalikan niya pa ako sa bahay and ang totoo nga noon, dapat ay uuwi siya dahil masama ang pakiramdam niya pero dahil sakin napilitan siyang pumasok.” Natulala na lang ako sa narinig ko saka siya tumingin kay Charm. “Sorry, Charm.”

 

“It’s nothing Clover,” plain nitong sabi bago ako balingan ng matatalim niyang tingin at irapan. Kung nakakasugat ang tingin niya, duguan na ako ngayon din. Umiwas na lang ako ng tingin sakanya at inisip na wala akong narinig. Pakialam ko naman kung good-girl-on-board ang trip niya ngayong araw, still, bakulaw pa rin ang babaeng 'yan. Psh.

Oz’s POV

 

“Aish! Bakit ba sila laging magkasama?! Kapag may relasyon dapat pati weekends magkadikit? Tss. Letse!” Napasipa na lang ako sa posteng kaharap ko habang napapailing. Hanggang ngayon kasi naiisip ko pa rin ang nangyari noong nakita ko si Alice at Colix sa loob ng sasakyang 'yon. Kulang na lang gumawa sila ng milagro sa sobrang lapit sa isa’t-isa. Mula dito sa eskwelahan hanggang sa labas palagi silang magkasama.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon