Confession 44: Broken Strings

6.7K 128 11
                                    

Confession 44: Broken Strings

 

"Oh, the truth hurts and lies worse."

- - - x

Pakiramdam ko ay mabubulag na ako sa tagal ng pagtitig ko sa maliwanag na screen ng laptop. Ni hindi ko nga magawang alisin ang tingin sa profile nila. Ni hindi nga ako makakurap. Hindi lang talaga kasi ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay isang malaking kalokohan ang lahat. Pakiramdam ko ay planado ang mga pangyayari. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako. Pakiramdam ko ay niloko nila ako- no, talagang niloko nila ako.

Una, nalaman kong ex-girlfriend ni Oz si Aoi. Pangalawa, former leader ng BSW si Oz. Pangatlo, si Aoi na ang may hawak sa BSW na maaaring may gawa ng saksak kay Aldous. Pang-apat, kasabwat rin si Leon. Panglima, iniwan ako ni Oz at nakipagbalikan kay Aoi at panghuli si Aoi ay…

“Aish!” Napasabunot ako sa sarili at ibinagsak ang katawan sa sofa. Simula kanina pagkauwi ko ay hindi pa ako lumalabas ng kwarto. Ayaw pa nga sanang umalis nina Spade at Clover ng mansion dahil sa pag-aalala sakin pero nagpumilit akong mapag-isa. Nakakagago lang kasi. Alam na rin nila ang tungkol dito at maging ang magkapatid na ‘yon ay hindi makapaniwala sa nalaman. Nakiusap akong ilihim ang lahat ng impormasyon. Naisip ko nga kung tama pa ba itong ginagawa ko. Kung tama pa bang inalam ko ang lahat. Well, truth hurts. And truth can burst your mind into a mind blowing reality.

Bumangon ako sa pagkakahiga at binuksan ang ilaw ng kwarto ko. Lumabas ako sa balcony at naupo sa duyan. Matagal na rin akong hindi tumatambay dito. Masyado na akong naging abala sa mga nangyayari na nakalimutan ko na ring gawin ang mga nakagawian. Ipinikit ko ang mga mata at dinama ang malamig na simoy ng gabi. Kahit ngayon lang, makahanap naman ako ng katahimikan. Kahit ngayon lang.

Napadapo ang kanan kong kamay sa tiyan ko at napayuko. Pinagmasdan ko ang aking tiyan habang masuyong inuugoy ng mga paa ko ang duyan. Lihim akong napangiti. Tumunghay ako at tinitigan ang liwanag ng bilog na buwan. Hindi ko pa pala nasasabi sa pamilya ko ang tungkol sa kalagayan ko. Hindi sa gusto kong ilihim sakanila ang batang ito, hindi rin sa dahil natatakot ako sa pwede nilang maging reaksyon pero hindi pa talaga ito ang tamang panahon. Marami pa akong kailangan pagdaanan, harapin at tuklasin. Marami pa. Maraming-marami.

What if, hindi ako naglibot mag-isa noong unang araw ko dito sa Pilipinas? Hindi ko sana makikita ang kabrutalan ni Oz Bezarius doon sa lalaking binugbog niya. Hindi sana mahuhulog ang cellphone sa bag ko at hindi niya malalamang nandoon ako sa eskinitang ‘yon.

What if, hindi sinabi ni papa ang tungkol sa high class education standard ng Steins Gate University? Hindi sana ‘yon ang pipiliin kong school na pasukan this year.

What if, hindi nagleave si Sir Gin Bezarius noong first day ko sa Steins? Hindi ko sana magiging substitute professor  ang kapatid niyang si Oz at hindi na sana magtatagpo ulit ang landas namin.

Hindi niya na sana ako makikilala at hindi ako susundan. Hindi niya maiisipang lumipat sa kapareho kong section. Hindi sana kami naging aso’t-pusa. Hindi ko sana siya madalas makakasama. Hindi sana kami naging interesado sa buhay ng isa’t-isa. Hindi sana kami magkakamabutihan. Hindi sana nahulog ang loob ko sakanya. Hindi ko sana siya minahal. Wala sanang nangyari samin. Hindi sana mabubuo ang batang ito. Wala sana akong dapat itago sa pamilya ko. Hindi sana dumating sa buhay ko si Aoi na ex-girlfriend niya pala. Hindi ko sana muntik mabangga ang nagpanggap na baklang si Leon noon. Hindi sana nadamay si Aldous sa galit ng BSW. Hindi sana nacomatose si Aldous. Hindi sana ako nasaktan noong naisipan niyang umalis ulit sa buhay ko. Hindi sana.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now