Confession 49: Be Mine, Alice

9.2K 164 17
                                    

Confession 49: Be Mine, Alice

“Figure  out how to fix this.  I know there’s a way so I promise. I’m gonna clean up the mess I made.”

Soundtrack: It’s not too late (Pakinggan niyo para cool :D)

- - - x

 

Blurry. ‘Yan naman talaga ang bubungad sa paningin mo once you open your eyes from a long sleep. Well in my case, we better call it survival. I sighed mentally. Hinayaan ko lang ang sariling tumitig sa puting kisame habang inaantay na luminaw ang nanlalabo ko pang paningin. Gusto ko mang magsalita at gumawa ng ingay ay hindi ko magawa dahil sa cap ng oxygen na ito. Kita ko rin sa peripheral ko ang IV Fluids na nakasaksak sakin. Pati nga ang kaunting sakit ng katawan ko bumabalik rin. Sa sitwasyon ko at amoy pa lang ng silid, alam kong bumalik na naman ako sa lugar na ito. It’s funny na itong lugar na ito pa ang paulit-ulit na nag-eextend ng buhay ko after all the curses I recited for this place. Maybe it’s a good decision I had’nt burnt this hospital down to the ground so soon. But the weird thing is, wala yatang ingay sa paligid. Wala ba saking nagbabantay? Hindi ba sila naeexcite makita ang paggising ko?

Noong maayos na ang paningin ay ipinilig ko ang ulo sa bandang kanan ko at doon nakita ang isang lalaking nakayuko sa gilid ng kama. Siya lang ang kasama ko sa loob ng kwarto, wala ng iba. Ang gulo ng buhok niya, parang hindi napapadaanan ng suklay. Suot ang gray polo-shirt na yumayakap sa bisceps at matikas niyang katawan. May mga pailan-ilan pang pasa at sugat sa kamao at braso pero mukhang pagaling na rin. Kahit hindi ko makita ang mukha niya, kilala ko siya. Kilalang-kilala. At dahil doon ay awtomatikong nag-init ang gilid ng mga mata ko matapos banggitin ang pangalan nito sa isip ko. Nakita ko ulit siya. Ang saya.

I wanted to touch him, pero hindi pa kaya ng katawan kong gumalaw. I wanted to call his name, pero wala pang lakas kahit ang mga labi ko. Besides, ayos na rin ‘yang matulog muna siya para hindi na rin niya makita ang pag-iyak ko. Ang mahalaga naman, nandito siya, katabi ko, kasama ko. But why is he here? Hindi ba dapat hindi ako ang binabantayan niya? Alam ko namang hindi na ako eh. Napalitan na ako sa buhay niya. Pinalitan na niya.

And just by thinking that I was already replaced by someone in his life, that thought alone, it hurts so bad. Much painful than all my broken bones and bruised body. Much painful.

Nagulat ako ng gumalaw ito kaya nahugot ko ang paghinga ko. Titig na titig lang ako sakanya habang nakapikit pa itong tumunghay mula sa pagkakayuko. Hindi ko na napigilan ang mapangiti kahit na maski ang pagstretch ng labi ay mahirap para sakin. He’s just too cute sa itsura niya ngayon. He’s so sleepy. Wala pa rin siyang pinagbago. Well, mas maganda nga sana kung wala.

Nanlaki ang mga mata nito nang mapansing nakatingin ako sakanya. Nagkatitigan kami sa mga mata. Those dark orbs of that chinito eyes. That stare alone can make me fall for him… again. Kaya nagbaba ako ng tingin sa mga kamay niyang hawak ang kamay ko. Mukha namang napansin niya ‘yon dahil gumalaw ang mga daliri niya, pero hindi tulad ng inaasahan ko, hindi niya inalis ang kamay niya, instead he held it tighter. Nagtataka akong napatingin sakanya at wala na doon ang gulat niyang itsura. Malambot at malambing na. Hindi ko alam kung tama ang nakita ko, but his eyes glistened.

“Thank God. You’re finally awake,” mahina at halos pabulong lang na sambit nito.

Hindi naman ako makapagsalita dahil sa sitwasyon ko kaya mas pinili ko na lang tumitig sa mukha niya. Matagal ko ring hindi natitigan ito at ang huli pa ay groggy siya. Hanggang ngayon nga may cut pa siya sa labi at pisngi saka may pasa pa sa ilalim ng kaliwang mata. Ang arogante at bossy na lalaking ito, nabugbog? Damn. Bumalik na naman tuloy sa alaala ko ang lahat.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon