Confession 27: Angel and Her Wings 2

9.2K 164 10
                                    

Confession 27: Angel and Her Wings 2

 

Clover’s POV

 

“I’m fine dad, I’m fine.” Paulit-ulit na bulong ko kay daddy habang nakayakap siya sakin. Rinig ko kasi ang pagsniff niya. Kahit kailan talaga ‘tong si daddy oh, ang iyakin pagdating sa mga anak niya.

Pinagmasdan ko naman ang mga kasama pa namin sa dito sa Council habang ganoon pa rin ang posisyon. Magkatabi si tita Max at tito Steve habang nakaupo, kasama naman ni Alice-nee sina Oz, Colix at Charm pero napako ang tingin ko sa lalaking nakatayo malapit sa pwesto namin. Walang emosyon siyang nakatingin samin ngunit bahagya namang ngumiti noong magtama ang mga namin. Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sakanya, pakiramdam ko ay may kung anong lungkot na kumirot sa puso ko habang pinagmamasdan ang lalaking ito sa harapan ko.

He’s Coller Greene and never in my entire life I imagined he would looked like that. Ang walang modo, walang respeto, mainitin ang ulo, mahilig maghamon ng away sa kahit na sino, leader ng gang na kinatatakutan ng karamihan ay magmumukhang kaawa-awa dahil lang sa ako ang kasama niya. Sa totoo lang ay kaya na niyang iligtas at itakas ang sarili niya sa lugar na ‘yon kung hindi lang ako sabit. Ako ang panira sa plano niya. Kung hindi dahil sakin, hindi magiging ganyan si Coller.

“Sino ang kumuha sainyo?” Nalipat ang tingin ko kay kuya noong magsalita ito sa tabi namin ni daddy. Lahat ng atensyon ay nasa amin na ngayon at hinihintay ang sagot ko. Kita ko ang pagkuyom niya sa mga palad niya na halatang nagpipigil lang ng inis.

“We don’t know. Lahat sila ay nakaitim, takip ang mukha at buong katawan,” paliwanag ko naman. Wala naman kasi talaga kaming namukhaan kahit isa dahil ganoon ang itsura ng suot nila. Para silang mga ninja. Bigla akong napaharap sa tahimik na si Coller kaya nabaling rin sakanya ang atensyon ng iba. Mukha namang nagulat ito at hindi alam ang gagawin. Tulala kasi at halatang spaced-out. “Diba Coller? Mukha silang mga ninja sa costume nila?” dugtong ko pa.

Tumango-tango naman ito ng alanganin. “O-Oo,”

 

I heard kuya sighed with his eyes closed. Napahawak ito sa nose bridge niya at bahagyang pinisil-pisil ‘yon. Ganyan siya kapag nagkakalma ng sarili. “Maglinis muna kayo ng katawan at saka natin ito pag-usapan,” utos niya.

“Ako na maglilinis ng sugat ni Coller, ikaw naman Charm ang mag-asikaso kay Clover,” utos ni Alice-nee. Tumango naman si Charm sakanya at agad akong nilapitan ngunit bago pa man makaalis si Alice-nee sa tabi ni Oz ay mariin na siya nitong hinawakan sa kaliwang braso kaya sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Ilang segundo rin silang nagkatitigan bago sumuko si Oz at nagbuntong hininga saka binitawan ang braso ni Alice-nee. Nakita kong palapit na ito kay Coller pero nakasunod lang sakanya si Oz. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikita ko.

“Halika na Clover, mamaya ka na ngumiti diyan,” natatawang sambit ni Charm. Nasa tabi ko na pala siya at hindi ko napansin kakapanood kay Alice-nee at Oz.

“Baliw! Ang sweet kasi nila.” Natawa lang ito sa sinabi ko. Siguro nga ay hopeless romantic lang ako kaya ganito. Pero sweet naman talaga diba? Ewan. Para kasing may pagkapossessive type itong si Oz kay Alice-nee pero hindi naman pumapalag kapag gumanti na ng glare si Alice-nee sakanya.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now