Confession 34: Could It Be?

8.6K 135 5
                                    

Confession 34: Could It Be?

 

Napakislot ako noong maramdaman ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Inis akong napaungol at tumalikod mula sa pinanggagalingan ng liwanag at tinakpan ang mukha ng nahawakan kong unan. Ang sakit ng buong katawan ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang sariling malapit na muling makatulog noong lumubog ang parte ng kama sa mismong tabi ko. Halos tumalon palabas ng dibdib ang puso ko noong bigla na lang may yumakap ng mahigpit sakin saka ako hinigit palapit sakanya, dahilan upang masubsob ako sa dibdib nito. Goodness! Ang bango naman ng taong ito.

“Wake up and eat breakfast.” Awtomatikong naghurumentado ang puso ko dahil sa boses niya. Hindi pa rin pala siya umaalis. Teka… kagabi nga pala m-may… may n-nangyari…

“Ahh!!” Tulak ko papalayo sakanya dahilan upang mahulog ito sa kama. Nasa pinakagilid kasi siya kaya kaunting tulak lang talagang plakda siya. Rinig ko pa nga ang malakas na kalabog nito sa sahig pero wala akong panahon para kaawaan siya. Binalot ko ng kumot ang katawan ko staring at him in horror. Nakabusangot na ito habang hinihimas ang parte ng ulo na nasaktan. Sh*t! Nabagok yata.

“Bakit ka nanunulak? Masakit ah.” Angil nito.

“L-Lumabas ka nga ng kwarto!” sigaw ko na nakaturo pa sa pinto. Itinaas ko pa ang hawak sa kumot para mas matakpan ang katawan ko. Geez. I am completely naked in front of his very eyes! Sinong hindi mahihiya at matataranta kapag nasa ganitong sitwasyon ka?! Knowing he’s now in topless. Ang aga-aga pandesal agad.

He smiled playfully making my heart skip a beat. Para itong manyak na gumapang sa kama papalapit sakin at ako naman napapaatras. Napalingon ako sa likuran ko nang mapansing malalaglag na ako. Muli kong ibinalik ang tingin kay Oz na may nakakalokong ngiti pa rin. Itinakip ko ang kaliwang palad ko sa mukha niya noong malapit na siya.

“Alice!” sigaw nito sa palad ko.

Napangiti ako at pinisil ang pisngi nito. “You stay out Mr. Bossy. Magbibihis po ako.”

 

“What to hide, Alice? I saw and even tasted every inch of your skin.” Walang kagatol-gatol na sabi nito at hinuli ang palad ko paalis sa mukha niya. Muling sumilay ang ngisi dito na nakapaghatid ng kuryente sa buong katawan ko. Pilit kong binabawi ang kamay ko sakanya pero sadya itong malakas. Bwisit na lalaki ‘to!

“B-Bastos ka talagang lalaki ka-” Hinalikan ako nito dahilan upang matigil ako sa pagsasalita.

“Bastos daw,” nanunuyang tono nito saka bumungisngis. Pinalo ko naman ito sa balikat pero parang wala siyang naramdaman at patuloy lang sa pagtawa. “Maligo ka na nga. Baba ka agad para makakain na ng almusal.” Hinatak nito ang batok ko at mabilis akong hinalikan sa noo. Muling bumilis ang tibok ng puso ko. He smiled at me and mouthed ‘I’ll wait’.

Pinagmasdan ko lang ang likod nito palabas ng kwarto. Agad namang dumapo ang kamay ko sa kaliwang dibdib feeling how abnormal my heartbeats are now. But with his gaze after giving me a forehead kiss, there’s something wrong with his smile… it’s sad. Why am I even feeling a sudden unease?

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon