Confession 05: Alice in Arendelle Forest

16K 294 17
                                    

Confession 05: Alice in Arendelle Forest

 

 

Alice’s POV

 

Napahinto ako sa pagtakbo hawak ang magkabila kong tuhod habang humahangos. “Where am I?” bulong ko sa sarili ng iangat ko ang ulo ko at tumambad sakin ang isang masukal na gubat. Lumapit ako rito at napansing isang mababang kawayang gate na may isang makapal na padlock at matabang lubid lang ang harang ng Steins at gubat.

Patuloy kong hinabol ang hininga ko hanggang sa maramdaman ko ang dahan-dahang pagbalik nito sa normal. Lumingon ako sa paligid at napansing malayo pala ito mula sa mga tao, walang nagdaraang estudyante o kahit na sino. Malayo sa naglalakihan at nagtataasang building ng Steins at halos hindi na rinig ang ingay ng libo-libong estudyante.

Tila ba'y dulo na ito ng university.

I kicked the lock at hindi 'yon tinigilan hanggang sa hindi ko masira. Inalis ko ang pagkakabuhol ng malaking lubid at sinipa ang munting gate saka diretsong pumasok sa gubat- masukal na gubat.

Mukhang wala namang tao rito, ni hindi ko nga maiisip kung may napapadpad pa ba rito. Bukod sa nakasara ang gate mula sa labas ay sobrang tahimik rin dito sa loob. Tamang-tama, kailangan ko ng lugar na matatakbuhan sa ngayon. Lugar na matataguan... malayo sa mga gulat nilang isipan.

I started walking slowly, roaming my eyes on my surrounding. Ang daming matataas na puno, malilim ang lahat ng madaraanan ko, presko ang simoy ng hangin na marahang dumarampi sa balat ko. Napayakap ako sa sarili, medyo nakakatakot dito lalo na at mag-isa lang ako. Bawat galaw ng mga halaman ay mabilis kong nililingon, natatakot na baka kung anong creepy na bagay ang lumabas.

Not forg, not slimy creepy reptiles or I’ll seriously screamed here.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapansin kong may kalayuan na ako mula sa gate, actually, kinabahan na nga ako dahil hindi ko na matandaan kung saan ako galing. I can’t remember my way back. Paano na ako aalis dito?!

I fished my phone in my pocket saka nagdial. “Shit,” I said irritatedly dahil walang kahit kaunting signal. Ano bang klaseng mini-forest 'to, ni hindi manlang maabot ng satellite. Tss. Walang silbi. Ibinalik ko na lang sa bulsa ang phone ko at naupo sa ilalim ng isang malaking puno. Let me take a nap, baka paggising ko maalala ko na kung saan ang daan pabalik.

***

 

Mabilis akong napadilat ng sumipa ang katawan ko mula sa malalim kong pagkakatulog. Tss. Sabi ko iidlip lang ako at hindi matutulog, pero ano pang magagawa ko e nangyari na.

I stretched my arms and yawned. Sulit na sulit rin ang kahit isang oras lang na tulog, ang lalim kasi tagos hanggang sa gising kong mga lamang loob. Full of energy na ako so I guess, pwede na akong magsimulang maglakad pabalik, I mean, hanapin ang daan pabalik sa Steins. Siguradong nabalitaan na ni Aldous ang nangyari kanina kaya I’m so sure na hinahanap na rin ako ng isang 'yun. Wag lang siyang magsusumbong kay mama at papa kun'di tigok talaga 'tong si Oz.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon