Confession 46: Scythe of Ferox

6.7K 132 19
                                    

Confession 46: Scythe of Ferox

Warning: Too much spat profanities ahead.

- - - x

 

Bullsh*t!

Mura ni Alice sa isip niya habang naghahabol ng hininga. Pakiramdam niya ay galing siya sa pagkalunod matapos walang habas na buhusan ng malamig na tubig sa buong mukha habang wala pa siyang malay. Dama niya ang hilo dahil sa kagigising lang ngunit hindi na niya pinansin ‘yon at agad na sinubukang igalaw ang mga braso at paa ngunit hindi niya nagawang umalis sa kinauupuan. Marahas at mahigpit na nakatali ang mga kamay niya sa likuran ng upuan habang nakatali naman ang magkabilang paa niya sa tig-isang paa ng upuan. Hindi niya rin magawang makita kung anong itsura ng paligid dahil may piring ang mga mata niya at gustuhin niya mang sumigaw ay balewala rin dahil sa busal nito sa bibig.

A complete kidnapped victim situation.

Impit na ungol na lamang ang nagawa niya para lang makagawa ng ingay habang patuloy na sinusubukang kalasin ang pagkakatali sakanya. Walang epekto. Wala siyang naririnig na kahit ano. Tila ay mag-isa lang siya ngayon sa kung nasaan man siya. Paulit-ulit siyang sumisigaw sa likod ng busal niya na animo’y hindi nakakaramdam ng pagod. Halos pumutok na ang ugat nito sa leeg makagawa lang ng ingay. Hindi niya gusto ang pakiramdam sa ganito katahimik na lugar. Mas nakakaramdam siya ng takot at kaba sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Mayamaya ay natigilan siya. Sa wakas, nakarinig na siya ng tunog ng pagbukas ng pinto ngunit walang nagsasalita at tanging ang maingay at mabibigat na yabag ng paa lamang ang mayroon. Unti-unti ay mas nagiging malakas sakanyang pandinig ang bawat hakbang na ginagawa ng taong pumasok hanggang sa naramdaman niya ang presensya nito sakanyang likuran. Hindi naman siya nagkamali nang may humawak sakanyang kanang balikat kasunod ang pagdampi ng mainit na hininga sakanyang kanang tainga.

“Who do you think I’m going to kill first?” mahina at puno ng panganib na bulong ng bagong dating dahilan upang mapigil ni Alice ang kanyang paghinga. That familiar voice. Tumakbo ang takot sa buong sistema niya sa narinig at isa-isang lumitaw sakanyang isipan ang mga imahe ng mga taong mahalaga sakanya.

Dumagundong ang malakas na halakhak ng taong ‘yon matapos makita ang pagpupumilit ni Alice na makaalis sa pagkakatali. Bakas ang galit sa mukha ng dalaga habang walang tigil na pumapalag sa kinauupuan niya. Hindi maipaliwanag ni Alice ang sobrang galit, inis, pangamba, takot, frustration at panic na naghahalo-halo sa kanyang katawan. Gusto niyang makaalis sa taling ‘yon dahil pakiramdam niya’y sasabog na siya dahil sa nararamdaman.

“Stop moving! Stop moving!” Paulit-ulit na sigaw sakanya dahil sa walang tigil niyang pagpalag sa tali. Hindi na niya alintana kung mabingi man ang kanang tainga niya dahil sa malakas na sigaw nito. “I said stop moving!” Tila ay baliw na sigaw muli sakanya kasabay ng pagbaon ng mga kuko nito sa kanan niyang balikat. Napahinto siya sa paggalaw at napasigaw sakanyang busal nang maramdaman ang kakaibang sakit na dulot ng pagbaon ng kuko sa katawan niya.

Ilang segundo ang itinagal ng pagbaon ng kuko sakanyang balikat bago ito tumigil. Napayuko siya at huminga ng malalim. Kailangan niya ng hangin dahil sa pagod. Pagod sa pagsigaw, pagod sa pagpalag at pagod sa pagtitiis ng sakit.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now