Confession 42: No Air

6.4K 144 32
                                    

Confession 42: No Air

Para akong patay na tulala sa puting kisame. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Parang gusto kong maiyak but there’s no more tears to fall. Naubos na yata ang tubig sa katawan ko. And I don’t even know kung ano pa ba ang rason ng kagustuhan kong umiyak. Hindi ko na alam. Sarado na ang isip ko. My mind was simply at mess.

 

“Fortunately, the baby is fine. You need a complete rest first hanggang sa makabawi ng lakas ang katawan mo at hangga’t maaari ay umiwas ka sa mga makakapagbigay ng stress sayo.” Rinig kong paliwanag ng doctor pero parang lumalabas lang naman sa kabilang tainga ko lahat ng sinasabi niya. Tulala lang ako sa kawalan dahil pagod na ang buong sistema ko sa pag-iyak at sa pag-iisip tungkol sa kundisyon kong dalawang linggo ko na palang dinadala. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ibinalita niya dahil mas nai-stress ako sa mga sinasabi niya ngayon.

“Your girlfriend is currently suffering from emotional distress that cause her bleeding. Be extra careful with your girl’s condition, hijo. Bibigyan ko na lang muna siya ng vitamins na kailangan niya. Excuse me.” Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto saka ako nilapitan ni Spade. That doctor even think that this guy is the father of this child. Sino nga namang mag-iisip na hindi kung siya palagi ang nasa tabi ko? Sa totoo lang, mas ayos na rin ‘yon kaysa malaman nilang nilayasan na ako ng totoong ama ng batang dinadala ko.

“Hindi mo rin alam ang tungkol dito?” mahinang tanong ni Spade nang maupo ito sa gilid ng kama ko. Blangko ko siyang tiningnan kaya napahinga lang ito ng malalim. “Ano ng balak mong gawin sa bata?” Hinimas niya ang pisngi ko at hinawi ang iilang piraso ng buhok na nakaharang dito. “Mugto na ang mga mata mo kakaiyak,” malambing na bigkas niya. Muli na namang nag-init ang gilid ng mga mata ko ng marinig ang boses nito. Matapos ng pagtanggi ko sa nararamdaman niya, he’s still here at inaalagaan ako.

“Wag mo munang sabihin ito kahit kanino even to my parents,” walang lakas na pakiusap ko. Tiningnan lang ako nito at hindi nagsalita. “Natatakot ako, Spade.”

 

“Maiintidihan naman ‘yan nina tita-”

 

“No!” Napaiyak na lang ako. “Hindi ako natatakot sa kung anong sasabihin at gagawin nina mama kapag nalaman nila ito. I’m afraid for the child, Spade. Wala siyang ama at hindi normal ang buhay na ginagalawan ng kanyang ina. Delikado para sakanya.”

 

“Shh… tama na ang iyak.” Pinunasan niya ang mga luha sa gilid ng mata ko at marahang hinimas ang kaliwa kong pisngi. “You forgot, nandito pa ako, Alice.” A hint of sincerity is evident in his voice.

Sincerity.

Ito ang biglang nawala sa pagkatao ng kilala kong Oz Bezarius. Last night, nang magkita kami ulit, lahat ng emosyong nakikita ko sakanya noon ay nabura. Para siyang walang buhay habang nakatingin sakin. The transparent Oz became a total opaque. Parang may matibay na kongkretong nakaharang sa pagitan naming dalawa. Hindi ko siya mabasa. Hindi na siya tulad ng dati.

“Hindi ko maintindihan, Spade. Bakit nangyari ‘yon? Bakit ganoon?” Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan si Spade sa mata. Lumikot ang mga mata ng lalaking kausap ko at halata sa itsura nito na may gusto siyang sabihin pero bakas rin ang pag-aalangan. “S-Spade…” kinakabahang tawag ko sakanya. Mayroon siyang alam na ayaw niyang sabihin sakin, ganoon ba?

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now