Confession 50: It's All About Us

8.8K 181 36
                                    

Confession 50: It’s All About Us

 

“Earth to Alice. Alice to Earth. Hello?” Muntik pa akong mapatalon sa kinauupuan ko matapos pumalakpak ni Spade sa tapat ng mukha ko. Nakapangalumbaba kong inilipat ang tingin sakanya mula sa labas ng bintana at sinamaan ng tingin. Natawa naman ito ng bahagya sa naging reaksyon ko. “Nakakapanghina ba ng senses ang pagbubuntis?” mapang-asar nitong tanong. Nginisihan niya ako saka inilapit sa harap ko ang plato na may chicken salad at malamig na pineapple juice. Alam ko naman ang tinutukoy niya sa ‘senses’ na ‘yan.

“Bakit ka ba nakipagkita? May pasok ka kaya.” Sabay tusok ko ng chicken at sinubo. Tiningnan ko siya at doon ko lang napansing nakangiti lang ito habang pinagmamasdan ako. Bigla tuloy akong naconscious. Napataas ako ng kilay para hindi niya mahalatang medyo nakakailang ang pagtitig niya.

He shrugged his shoulders. “Aantukin lang naman ako doon sa matanda nating professor,” sagot nitong natatawa pa. Napangiti na lang ako. Naalala ko kasi tuwing ‘yon na ang magtuturo, natutulog lang ako sa classroom habang ‘yong mga seatmates ko naman ang magbabantay para magtaga-gising ako if ever na makita ako ng matandang professor na ‘yon. Ang bagal kasi magsalita, akala mo nagpapasyon.

“Dahil lang doon? You’re kidding,” balewala kong sabi. Nginitian niya lang ako at sinimulan na ring kainin ang pagkain niya. Parehas lang kami ng order para daw couple foods. Baliw lang.

“Syempre gusto rin kitang makita.” Napatigil ako sa pagnguya at tiningnan siya. Abala lang naman ito sa pagkain.

“Spade…”

 

“Limang buwan na rin pala ‘no? Ni hindi ko napansin na ganoon pala kabilis.” He paused at humarap sakin ng nakangiti.

“Sorry. Ang daming nadamay dahil sakin.” Buntong hininga ko. Sa nakaraang limang buwan, ito yata ang unang beses na humingi ako ng tawad sa mga nangyari. Wala nga akong kamuwang-muwang noon na kahit hindi nakidnap si Spade ay dinamay pa rin siya ni Aoi. He got head injury and suffered into semi-comatose. Ilang araw din siyang tulog noon. Sobrang natakot ako dahil mas malala pa ang natamo niya kaysa samin. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama ang kahit na sino sakanila.

“Alice…” Napatunghay ako nang abutin nito ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng lamesa. Umiling ito. “You have nothing to sorry. Kung ano man ang nangyari samin, ‘yon ay dahil gusto naming samahan ka sa laban.” He paused and smiled sweetly. “It’s been 5 months. Kalimutan na lang natin ‘yon dahil maayos na ang lahat.”

 

“Pero Spade-”

 

“I told you, everything will be fine. See? Everything just fall into their rightful places,” malambing na sabi nito at bahagya pang pinisil ang mga palad ko. Tinitigan ko lang siya sa mata. Those sparks, buhay na buhay ngayon ang mga mata niya tulad dati. Everyhting now is fine.

Tumango na lang ako at ngumiti. “Kumain na nga tayo.” Sabay bawi ko sa kamay ko at sumubo na ulit ng salad. Ganoon na rin naman ang ginawa niya.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon