Confession 14: A Taste of Hell

10.7K 221 23
                                    

Confession 14: A Taste of Hell

 

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ko kahit na nakikita ko ang takot sa mga mukha ng bawat estudyanteng nadaraan namin ngayon sa hallway. Bitbit sa kanang kamay ay hatak-hatak ko ang kwelyo ng punyemas na lalaking gumambala sa dapat ay pahinga ko. Hindi naman siya pumapalag- ay hindi, pumapalag siya pero hindi niya magawang tumakas sa pagkakahawak ko. Nararamdaman ko ang pagsunod ng dalawang alipores niya sa likuran ko ng masilip sila sa gilid ng mga mata.

“Sh*t!” mahina kong usal ng maramdaman ang sakit ng likod ko dahil sa paghampas nila sakin ng baseball bat. Nabitawan ko ang hawak kong lalaki na agad naman iginapang ang sarili niya papalapit sa mga kasama. Hawak nito ang leeg at pasimpleng umuubo. Tinapunan ko sila ng masamang tingin ng magsimula na naman ang pagngisi nila sakin. Nasa hallway pa naman kami. Maraming estudyanteng nakapaligid at nanonood.

“Depinisyon ng malakas? Nagpapatawa ka ba?” nambubuyong tanong ng lalaking duguan ng makabawi ito ng sapat na hangin.

“Gusto niyo bang patunayan ko?” walang emosyon kong tanong. Nagtinginan naman silang tatlo na parang iniisip na nababaliw na ako dahil sa mga sinasabi ko. Hinimas-himas ko ang likod ko kahit na hindi ko ito maabot saka nag-inat ng katawan. I smirked. Tatlo lang sila, madaling tapusin.

Pumorma na sila saka naunang sumugod. Sinangga ko ng kaliwang kamay ko ang baseball bat na ihahampas niya sakin. Nakita kong nagulat ito kaya napangisi ako. Sinundan ko ng isang malakas na suntok sa sikmura ang lalaki kaya naman napaatras ito hawak ang tiyan niya. Tinitigan ko naman ang dalawang natuod na sa nakita. Akala nila hindi ako marunong sumuntok? Well, they’re wrong.

Sinipa ko sa leeg ang lalaking nakatulala sa kanan ko. Natumba agad ito at walang humpay na umubo. Sayang. Kung nilakasan ko pa sana ng kaunti ay nadurog na sana ang esophagus at air pipe niya.

“B*tch!” nagulat ako ng isang suntok sa kaliwang pisngi ko ang lumanding. Sinikap kong hindi mapaatras pero t*ngna! Masyadong malakas ang ginawa niya at nabigla ako doon. Mukha namang nabuhayan ang tatlo sa hindi ko kaagad na pagkilos. Sunud-sunod at sabay-sabay nila akong pinaulanan ng suntok at tanging mga braso ko lang ang naging panangga ko sa mukha ko. Isang malakas na sipa sa sikmura ang nakapagpatilapon sakin sa locker. I heard the audiences gasp.

Hindi ako kumilos. Binawi ko muna ang pagkawala ng hangin sa baga ko dahil sa malakas na sipang ‘yon. Narinig ko ang yabag ng paang papalapit sa kinatatayuan ko. Lumuhod ito sa harapan ko at mahigpit na hinawakan ang panga ko making me glared at him.

“Walang tama sa mukha?” hindi ko alam kung nagulat siya o nang-iinsulto  dahil sa tonong ginamit nito. “Wag mong sayangin ang ganda mo sa ganitong pakikipagbasag-ulo,” dugtong nito.

Napangisi ako. “I know I’m beautiful. Titigan mo na akong mabuti dahil ito na ang huling beses na makakakita ka.” Gulat na gulat ito sa narinig.

Inabot ko ang buhok nito at inilapit pa sa mukha ko. Nakita ko na lamang ang sarili kong nakatayo na habang nakahandusay ang lalaki sa harapan ko. Hawak ang mga mata niya na puno ng dugo… and so my hands. Bloods. I smirked seeing him almost peeing in pain. Hindi nakaligtas sa mata ko ang hilakbot na tumatakbo sa mukha ng mga estudyanteng nasa hallway na nakasaksi sa ginawa ko. Nagsimula akong maglakad palapit sa dalawang natitirang lalaki. Bitbit ang mga baseball bat nila ay nakaporma itong handa ng sumugod.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now