Confession 43: Rage of the Blue Claws

6.5K 145 26
                                    

Confession 43: Rage of the Blue Claws

 

I grinned staring at the red giant door in front of me.

Simula nang malaman kong hindi na lang sakin ang katawang ito, hindi na ako pinayagan ni Spade na magpunta dito. Hindi ko rin naman gustong pumasok diyan dahil alam kong hindi na maganda sa katawan ko ang mga usok sa loob but being the Queen, hindi naman pwedeng hindi ako bumisita para alamin kung ano na ang takbo ng underground. And one more thing, kailangan ko pang gawin ang totoong pakay ko… ang hanapin ang identities ng BSW.

“Hindi ka sabi pwedeng pumasok, Alice! Mausok at amoy alak sa loob. Dito ka na lang at ako na ang maghahanap!” Singhal ni Spade sa tabi ko dahil rinig mula dito sa labas ang ingay sa loob. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakaramdam ako ng galit sa pagsigaw niya sakin. Nakita kong napalunok ito bago huminga ng malalim. Inabot niya ang dalawang kamay ko saka inilevel ang mukha niya sa mukha ko. “Okay, I’m sorry. Iniisip ko lang si baby,” malambing na paliwanag nito.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa tono niya kaya napaiwas ako ng tingin. “Sa office lang ako, promise.” Tinitigan niya lang ako sandali bago ito ngumiti at tumango.

“Office lang ha? Office.” Paalala ulit nito saka ako inakbayan papasok sa loob ng U. Soc.

Wala namang bago sa loob. Ganoon pa rin ang dilim at ingay ng paligid. Amoy ng usok ng sigarilyo, alak at pera. Hindi na niya ako pinayagan na maglibot pa dahil ‘yon naman ang usapan namin. Dirediretso kami sa office kung saan ay nasa tuktok ito ng underground. Glass window lang ang buong office kung saan ay tanaw ko ang mga nangyayari sa ibaba. Bullet-proof kaya safe.

Tumayo ako sa dulo ng office at pinagkrus ang mga braso. Hindi ko mapigilan ang ngisi ko habang pinagmamasdan ang paligid. This feeling is so new. Ni minsan, hindi ko inakalang pwedeng magkatotoo ang mga iniiwasan at tinatakbuhan ko. Ang maging gangster o kahit ang mamuno sa ganitong klaseng underground business. If my memory serves me right, kaya ako nasa Pilipinas ay para mamuhay ng tahimik pero mukhang nakaukit na talaga sa tadhana ko ang ganito. Sabi nga ni mama noon, ito ang tinatawag na Call of Blood.

Wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib at pagkabahala.

“Gusto mo ng maiinom? Basta hindi alak ah.” Napalingon ako sa pintuan ng office nang marinig ang boses ni Spade. Nakangiti ito sakin at may dalang laptop. Dumiretso ito sa center table kaya naglakad na rin ako papunta sa couch. Nakaupo ito at may kinakalikot sa laptop habang nakatayo naman ako sa likuran niya.

“Kaya mong manghack ng access?” curious kong tanong habang nakatingin sa laptop.

Umiling ito. “Nope, pero forte ito ni Clover.” Natigilan ako sa sinabi niya. Tiningala niya ako at tila inaantay ang sasabihin ko.

“Hindi, Spade. Hindi ko hahayaang pumasok dito si Clover,” mariin kong sambit. Huminga lang ito ng malalim bago muling ituon ang sarili sa laptop.

“Kung ganoon, baka mahirapan tayong pasukin ang files ng BSW.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Sinubukan ko pero baka tayo ang makakuha ng virus.” Paliwanag muli nito. So ganoon pala kasecure ang files nila na kung hindi expert at malinis ang paghack ay kami pa ang mapapasok ng virus? I can’t let that virus shut U. Soc. down.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now