Confession 21: Underground Society

11.6K 182 12
                                    

Confession 21: Underground Society

 

Ilang segundo rin ang lumipas sa pagitan ng pagtititigan namin ni Oz Bezarius pero wala kahit na isa samin ang nagtangkang bumawi ng tingin. Wag na siyang umasa na mauuna akong pumutol ng inis kong tingin sakanya dahil hindi mangyayari ‘yon kahit na gutom na gutom na ang nagwawala kong lamang loob. Nakakainis na kasi siya. Tama ba namang utos-utusan ako sa harapan ng mga kasama ko? Anong karapatan niya? Puny*ta siya. Hindi naman niya ako binabayaran para sumunod ng sumunod sa mga iuutos niya. Damn this jerk.

 

Nanatiling tahimik pati ang mga kasama ko at ramdam na ramdam ang tension sa pagitan namin ni Oz sa bawat pagpatak ng segundo. Mayamaya lang ay bumuntong hininga na ito sign of defeat. I rolled my eyes on him at muling humarap sa kinakain ko. Gutom na ako, sobra. Pasado ala-una na ng hapon at nakakadagdag pa ng gutom ang bango ng pagkain sa loob ng fastfood na ito.

 

Kitang-kita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang tingin sakin ng mga kasama ko pati ang tingin ni Oz na tumabi kay Charm kaharap ko. Inisip ko na lang na wala sila sa pligid at masarap na inubos ang kinakain ko.

 

“Tapos ka na ba?” mahinahong tanong ng kaharap ko dahilan para mapatingin ako sakanya. Hindi ko talaga alam kung paano niya nagagawang baguhin ng ganoon kabilis ang emosyon niya. Wala na ang salubong nitong mga kilay at madilim na aura. Malambot at malambing na ang ekspresyon nito.

 

Bigla ko namang naramdaman ang abnormal na kabog ng dibdib ko ng mapatitig ako sa mga mata niya. Agad kong binawi ang tingin sakanya at tumango. Narinig ko ang tunog ng upuan sa pag-usog nito ng tumayo siya. Hindi ko nga napansin na nakatayo na siya sa pagitan namin ni Spade. Tumingala ako sakanya habang nakayuko naman ito sakin. Tulad kanina, napako na naman ang mga mata ko sa mga mata niya. Nakakalunod. Para akong nahihypnotize sa titig na ‘yon.

 

“Tara na. Sabi ko naman sayo, may pupuntahan tayo,” malambing nitong sambit habang nakalahad ang kaliwang kamay sa harapan ko. Tinitigan ko ‘yon. Tatanggapin ko na sana kung hindi ko lang narinig ang bungisngis ni Aldous sa tabi ko. Bigla ko tuloy naalala na nasa fastfood kami kasama ang anim pang katao at wala kami sa isang fairytale para sa ganito kacheesy na moves.

 

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mamula sa naisip ko. Mabilis akong tumayo ng wala sa loob, muntik na ngang tumama ang mukha ko kay Oz dahil nakayuko nga pala ito sakin. Hinarap ko siya at tinaasan ng isang kilay. “Tara,” may bahid ng pagkairita sa boses ko at mabilis na iminartsa ang sarili palabas ng fastfood. Napabuga ako ng hangin pagkalabas na pagkalabas ko. Mukhang mula kanina ko pa pinigilan ang paghinga ko habang nakatingin kay Oz. Sandali akong sumulyap sa table nina Spade at doon nakita ang nag-aalala nitong mukha. Nakakahiya mang iwan siya doon dahil ako ang nag-aya sakanya dito, no choice, I had to make my way out there at magpatangay na lang muli kay Oz. Pakiramdam ko kasi kapag nagtagal ako doon ay sasabog ako sa loob ano mang oras.

 

I shook my head. “Stop over thinking,” bulong ko sa sarili.

 

“Lets go?” rinig kong tanong sa tabi ko. Hindi na ako nag-abalang tingnan siya at nagsimula na lang maglakad. Kung saan niya man ako tatangayin ngayon ay wala akong idea at kung bakit ako nagpapatangay sakanya ngayon ay mas lalong hindi ko rin alam. Kainis.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now