Confession 15: First Step

12.3K 235 18
                                    

Confession 15: First Step

 

Aldous’ POV

 

“Isang linggo ng hindi pumapasok si onee, kailan siya magpapakita?” biglang tanong ni Clover sa tabi ko. Kanina lamang ay nagbabasa ito ng libro. Ibinaba nito ang binabasa at humarap sa pwesto ko na puno ng pag-aalala ang mukha.

“Hindi rin siya tumatanggap ng bisita,” bored na usal ni Charm na kanina lang ay abala sa pakikinig ng music sa headphones niya.

Tama, ayaw niyang humarap sa mga dumadalaw at nangangamusta sakanya.

Nangalumbaba na lang ako at hindi sumagot. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin kaya bakit mag-aaksaya pa ako ng oras na mag-isip ng mga sagot para sakanila. Kahit nga sa bahay ay bihira kong makausap si Alice, kakausapin ko ‘to tungkol sa mga nangyayari sa Steins sa loob ng isang linggong pagkawala niya pero wala naman itong reaksyon. Sapat na sakanya ang marinig ang kwento at saka muling ikukulong ang sarili sa loob ng kwarto niya. Lalabas kung kailan niya gusto, lalabas kapag kakain at gusto niya lang ipaalam saming tatlo na buhay at humihinga pa siya.

Napabuntong hininga na lang ako at itinuon ang sarili sa harapan. At hindi ko inaasahan ang pagpasok ng isang pamilyar na babae sa room. Parang nakita ko na siya noon? Hindi ko lang sigurado. Hindi ko matandaan. Sa dami ng babaeng nakakasalamuha ko araw-araw, hindi ko na matandaan. Babawiin ko na sana ang tingin ko sakanya ng magtama ang paningin namin. Ngumiti ito sakin habang naglalakad.

“Kilala mo?” Hindi ko pinansin ang pagtatanong ni Charm sa tabi ko. Napansin na siguro niya na nakatingin ako sa bagong dating.

“Dalawang araw rin siyang hindi pumasok. Ang alam ko, inaayos niya ang papers niya from Japan,” muling sambit ni Clover.

Sinalubong ko ang titig ng pamilyar na mukha sa harapan ko ng huminto ito sa tapat ko. Smiling sugar-dusted, hinila nito ang isang bakanteng upuan papunta sa harapan ko at doon naupo. Sandali nitong pinagmasdan ang dalawang babae sa tabi ko bago muling ibalik sakin ang tingin. Sino nga ito?

“Remember the name?” tanong nito sakin. Nakangiti lang ito na parang komportable sa mga kaharap niya. Bahagya itong tumawa ng lumipas ang ilang segundo pero hindi pa rin ako nagsalita. “Aoi Yuzuriha. Ang bilis mo naman makalimot,”

 

“He’s a Casanova. What would you expect? Hindi siya interesado na tandaan ang pangalan ng isa,” sagot ni Charm. Nabaling naman sakanya ang tingin ni Aoi pero ngumiti lang naman ito matapos makabawi sa bahagyang pagkagulat. Tumango-tango ito bago muling ibaling sakin ang tingin.

“I see. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ‘yon,” she smiled. “May nabalitaan ako tungkol sa kapatid mo. Is that true?” Hindi ko na naiwasang mangunot ang noo sa sinabi niya. Paano niya nalamang kapatid ko si Alice? “I heard the rumors, she’s your sister. Am I right?”

 

“Yea,” tango ko pa rito.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon