Confession 29: Leon Ford

8.9K 176 16
                                    

Confession 29: Leon Ford

 

Humigop ako ng iced-coffe sa basong hawak ko bago inilibot ang tingin sa paligid. Nasa isang coffee shop ako ngayon kahit na alas-otso na ng gabi, hindi naman kasi ito kalayuan sa Steins Gate University. Inikot-ikot ko ang basong hawak ko bago muling humigop at ibinaba ang baso sa lamesa. Sumandal ako sa couch at humalukipkip. Natuon ang mga mata ko sa babaeng may dalang tray at panay ang ngiti sa mga customers habang inaabot niya ang mga order nito. Nahagip niya ang tingin ko at lumapit sakin.

“Hindi ka pa ba uuwi, Spade?” mahinang tanong nito.

Tipid ko siyang nginitian at umiling. “Inaantay ko pa ang kapatid ko.”

 

She nodded. “Mahal na mahal mo siya ‘no?”

 

Muli akong humigop ng iced-coffee bago magsalita. “Sobra.” Hindi ko naiwasan at napalawak na pala ang ngiti ko. “Teka, what time ang out mo, Aoi?”

 

Yumuko ito at itinaas ang long sleeve niya sa kaliwang braso revealing her wristwatch. “8:30. 10mins pa,” nakangiting sabi. Tinanguan ko siya at pagkatapos ay umalis na ito para ipagpatuloy ang trabaho.

Halos maubos ko na ang iniinom ko noong may maupo sa katapat kong upuan. Medyo hinihingal pa ito na halatang nagmadali. I crossed my arms and leaned forward. “What took you so long, missy?”

 

Tumawa ito ng alanganin at nagpeace sign. She took a deep breath hawak pa ng kanang kamay ang dibdib nito. “Sorry. Si Coller kasi ang kulit e.”

 

I hissed at her saka tumayo. “Siya na naman? Nagseselos na ako ah,” kunwari’y nagtatampong tono ko bago kunin ang mga gamit niya. Ang dami niya kasing bitbit ngayon dahil gumawa sila ng project nina Charm. Sila kasi ang partner. Napatigil ako sa naisip ko bago siya harapin. “Teka nga, bakit pala kasama mo na naman si Coller? Akala ko ba si Charm ang partner mo sa subject niyo?” isiningkit ko pa ang mga mata ko sakanya.

Mukha naman itong ninerbyos at nag-iwas ng tingin. “Alam mo namang palaging nakabantay sakin ‘yon kuya.”

 

“Sus. Baka naman boyfriend mo na ‘yan-”

 

“Kuya!” sigaw nito para pigilan ako. Realization hit her face at gulat itong napatingin sa paligid. “Aish!” she hissed and pulled me towards the door still with her face buried on my shoulder. Napatawa ako ng mahina dahil sa reaksyon niya. Bumuga ito ng hangin at masama akong tiningnan noong tuluyan na kaming makalabas ng coffee shop. “Pwede ba kuya, wag mo nga kaming pag-isipan ng ganyan! Magkaibigan lang kami,” iritadong sabi nito. Hindi ko na naitago ang mapatawa ng mahina. Inakbayan ko siya at inilapit sakin saka ginulo ng bahagya ang buhok nito. Pinigilan nito ang kamay ko at inalis sa ulo niya pero nanatili naman ito sa balikat niya. “Ginagawa mo na naman akong bata,” she said pouting her lips.

“Bata ka pa naman talaga.”

 

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now