Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker

15.7K 270 3
                                    

Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker

 

“Oh my ghad! I saw Oz eating alone at the cafeteria!” Kilig na kilig na sabi ng isang babaeng nadaanan ko sa hallway. Grabe naman sa tulis ang takong niya. “But he’s eating alone at himala dahil late siyang pumasok today,” dugtong pa nito biting her nail-thumb.

Tss. Kailangan talagang bantayan lahat ng kilos ng lalaking 'yon? Samantalang ako lahat ginagawa makatakas lang sakanya. Magpalit kaya kami ng pwesto nitong babaeng 'to? Napairap na lang ako sa hangin before yawning making my way to the 3rd floor. Doon na kasi ang room for the second subject dahil nga hindi na ako nakaattend ng first subject ko. Kung anu-ano na naman kasi ang napagdaanan ko papunta dito kasama si Jaguar- and speaking of him, sobrang kating-kati talaga ang mga kamay kong humawak ng manibela at kambyo saka magpatakbo ng sobrang bilis.

It’s been years since I last joined a drag race and honestly speaking, those near death experiences are awesome.

Dahil kay Great Grandpa kaya ko naranasan lahat ng ganoong bagay pero dahil alam kong itinuturo niya sakin lahat ng 'yon para itrain ako for being a Gang Heiress, tinigilan ko. Hindi nga ako gagaya sa mama ko... ayoko. Sa mga kwento pa lang nila ni papa sa mga naranasan nila noon, I don’t think I can handle those kind of situations.

And what happened to Grandpa, mas lalong kinamuhian ko ang Gangster World.

I heaved a sigh habang bahagyang napapailing. Ayoko ng maalala ang nakaraan. Nakayuko akong pumasok sa loob ng elevator habang tahimik na inaantay ang paghinto nito sa 3rd floor ng maramdaman ko ang isang akbay sa kaliwang balikat ko. Nilingon ko siya at nakita ang isang nakangising Oz.

I raised him a brow at doon niya ako nilingon habang ngiting-ngiti pa rin. “Why my princess is so beautiful? No. I mean, beyond beautiful?”

“Shut up,” mahinang sagot ko rito saka marahas na inalis ang braso niya sa balikat ko.

“Why? Palagi ka na lang masungit sakin?” He pouted his lips. I rolled my eyes on him in disgust. Ano siya bading? Mukha siyang baklang tuta sa ginagawa niya.

“Alice...”

Natigil ako sa pag-iisip sa pagtawag niya sa pangalan ko. He can’t call me that name.

“It’s Lax,”

 

“I think, mas maganda ang Alice kaysa sa Lax. Unisex naman kasi ang name mo and Alice sounds princess-like, bagay na bagay sa'yo-”

 

“It’s Lax, Oz. Don’t call me that name, again.” Hindi ko na pinansin ang nagtataka at nagtatanong niyang mukha. Mabilis akong lumabas ng elevator at dumiretso sa room ng walang lingon.

“You’re going to be the Gang Heiress, Alice.” Napayuko ako sa armchair ko ng maalala ko ang sinabi ni Great Grandpa sakin noong nabubuhay pa siya. He used to call me with my first name and since that day, only he can call me that... or else, the Demon Gangster inside me will be awakened. It can’t be. Masisira ang labinwalong taong pinaghirapan ko para mapanatili ang simple kong pamumuhay.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now