Confession 35: Twisted Chains

7.2K 126 27
                                    

Confession 35: Twisted Chains

 

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong nahihirapan sa paghinga na kailangan kong habulin ang hangin sa paligid. Hindi agad sumagot si Aldous sa kabilang linya na mas nakadadagdag sa kabang nararamdaman ko. Nanatili akong tahimik. Ramdam ko ang tingin ng dalawang lalaki sa tabi ko at hindi rin naman sila nagsalita.

“A-Aldous…” halos pabulong kong usal upang matawag lang ang atensyon nito. Tanging paghangos lang ang naririg ko sa kabilang linya. Napakuyom ang mga kamao ko para itago ang kaunting panginginig nito.

[Alice. Whoo!] hingang malalim nito. Napigil ko ang paghinga noong marinig itong nagsalita. [Magpapatulong sana ako sayo.] Muling sambit nito.

“Tulong?” Pinilit kong itago ang pagkabahala sa boses ko.

[Hmm… kasi-]

 

“Ay!”

 

Napasigaw ako sa gulat noong makarinig ng sobrang lakas na ugong mula sa kabilang linya. Muntik ko pa nga maibato ang hawak kong cellphone dahil sa sakit sa tainga ng tunog. Inabot ko kay Oz ang hawak ko saka tinaktak ang tainga. Feeling ko nabasag ang eardrums ko dahil doon. Pati nga ‘yong kaba ko biglang nawala.

“Nakaloudspeak kasi tapos nilalagay sa tainga.” Sinamaan ko ng tingin si Spade pero tinawanan lang ako nito.

Muli kong binawi ang cellphone kay Oz. “Hoy! Ano bang nangyayari diyan ha?!” sigaw ko sa inis. Hindi niya baa lam kung gaano na ako natatakot at kinakabahan dito dahil sa mga pinaggagawa niya? Tapos siya pamusic-music lang sa kung nasaan man siya! Kainis. Tugtog pala ‘yong kanina. Para siyang nasa party na ewan.

[4th floor building namin. Sasalubungin kita sa elevator. Bilhan mo naman muna ako ng t-shirt.]

 

“A-Anong? Teka, nasaan ka ba ha?!”

 

[Nagpapractice nga kami diba? Nagpaalam naman ako sayo ah.]

 

Napahampas naman ako ng kamay sa armchair dahil sa sagot nito. “Yah! Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Bwisit ka talaga! At kaninong number ‘to? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at messages ko?! Bakit nakapatay ang cellphone mo?!” hingal na hingal ako noong matapos ako sa pagsigaw ng mahabang litanya ko.

[No need to shout, Alice. I almost got my ears fall off!] Bakas ang pagkairita sa tono nito pero sa totoo lang, nakahinga talaga ako ng maluwag dahil sa narinig ko na ang boses nito. Mukha namang maayos siya. Siguro ay pagod lang talaga siya sa dance practice niya kaya kanina ay humahangos siya. Buong akala ko talaga ay may nangyari ng masama sakanya. [Empty batt na kasi ‘yong phone ko and good thing, Aoi offered me a call. She lend me her phone kaya tinawagan agad kita. Siya kasi ang singer ng group namin. Dali na, kailangan ko na magbihis at amoy pawis na ako. Samahan mo na rin ng pagkain ha? Hindi pa ako nag-aalmusal eh! Bye.] He then hung up.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Where stories live. Discover now