Confession 36: Touch of Blood

7.7K 137 28
                                    

Confession 36: Touch of Blood

 

Tahimik kong pinagmamasdan si Aldous mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama niya, habang siya naman ay panay ang pagfurnished ng steps niya sa harapan ng giant body mirror. Mula kaninang umaga ay hindi na talaga ako mapakali at ni hindi ko na nga iniiwan si Aldous na mag-isa. Natatakot kasi ako. Natatakot akong magkatotoo ang napanaginipan ko.

Napahigpit ang hawak ko sa mineral bottle kasabay ng pagbigat ng pakiramdam. Sa isang segundo, biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Aldous na puno ng dugo… tulad nang nasa panaginip. Napapikit ako ng mariin. Hindi ito pwede. Hindi na ako makapag-isip ng tama dahil sa panaginip na ‘yon. Kung bakit ba naman kasi nanood pa ako ng Another kabagi mag-isa sa kwarto bago matulog. It’s giving me freaking goosebumps for some reason!

“Wag mo isipin ‘yon, mahal ka ‘nun.” Napaangat ako ng tingin noong agawin nito ang boteng hawak ko at dirediretsong nilagok. Umupo ito sa tabi ko habang nanatili naman akong nakatitig sakanya. This face. How could it showed up in my dreams covered with blood? That seriously is ridiculous.

“Alam ko namang mahal niya ako.” Oo, Aldous. Kahit ganyan ka sakin, alam ko namang mahal mo ako. Pero hindi talaga mawala sa sistema ko ang pangamba. Nakangisi itong humarap sakin habang nagpupunas ng pawis. Alam ko namang iba ang iniisip niyang tungkol sa sagot ko.

“Kailan naman kayo magpapakasal?” natatawang sabi nito.

Blangko lang naman ang mukha ko habang nakatingin sakanya. “Hindi kami pwede magpakasal.” Dahil malamang, kapatid kita. Tss. Nag-aalala ako sayo at mula pa kanina, ikaw lang ang iniisip ko.

 

“Bakit hindi? Break na agad kayo? Dahil nalaman mo ang past niya?” Bigla akong natigilan sa sagot nito. Bakit ganoon? Parang may mali. Ano bang tinutukoy niya? “Tsk.” He hissed and throw himself on the bed. Pumikit ito saka ngumiti. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mapansin kong tinataas niya ang kanang kamay niya and shaped it like a gun. He pointed his index finger right in front of my left chest and mouthed bang with a hand gesture. Nangunot ang noo ko sa ginawa niya. Ano na naman bang kalokohan ‘yan? “This part will destroy you. This will end you, Alice,” he said almost inaudible.

“What do you mean?” casual kong tanong kahit na naguguluhan ako. Hindi ko talaga siya maintidihan.

“Whatever happens, don’t let anyone caught you off guard.”

 

“That would never happen, Aldous.”

 

He smiled sweetly pero kinabahan ako sa ngiti niya. May mali talaga. “Alice is really great.”

 

“I know.” Ano bang sinasabi niya? Bakit niya ako biglang pinupuri? Hindi niya naman gawain ang ganito.

“Do you still remember what’s trend in Running Man members? In seven members, there are only three kinds of people,” he paused. Madalas naming panuorin ‘yung dalawa dahil nakakatuwa. “The one who trusts, the betrayal icon and the spy,” mahinang sabi nito na halos patulog na. Sobrang napagod yata sa kakapractice.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon