Chapter 6

1.2K 34 0
                                    

Bea's Pov

"Ikaw?!" Nabigla ako doon ah.

"Bakit parang gulat na gulat ka?" Tanong niya habang matawa-tawa siya.

"Akala ko naman kung sino. Anong ginagawa mo dito?"

"Ano pa nga ba? Para suyuin ka at lambingin." Tsss. Yabang e.

"Dun ka sa Margaux mo." At sinaraduhan ko siya ng pinto.

"Sino yan Bea?" Tanong ni Mama.

"Wala po, nagkamali lang ng katok." Pagpapalusot ko.

"Ah ganon ba? Halika na, kumain ka na rito."

At pumunta naman ako agad sa hapag-kainan.

Hanggang sa matapos kaming kumain, walang kumatok. Ibig sabihin, umalis din agad siya kanina.

Pumunta ako sa kwarto ko at binuklat ulit yung librong binigay sakin ng kung sino.

-Your S.R

Sino kaya siya? Kilala ko kaya siya? Bakit niya kaya ako binigyan ng libro? Bakit at paano niya ako nakilala?

Mabilis na lumipas ang Sabado at Linggo, hindi mawala sa isip ko yung nagbigay ng libro.

Mas naiisip ko pa yun kaysa kay JP.

Kaunting kirot na lang pala pag ginagalaw ko ang kamay ko. Makakapasok na rin ako ngayon.

"Beaaaaaa, gumising ka naaaaa!" Back to normal na naman si Mama.

"Bababa na poooo."

Pagkababa ko, dumaretso agad ako sa kusina. Nakita ko si Mama na nagluluto ng paborito kong ulam.

"Wooowww mukhang masarap yan ah."

Nagulat si Mama sa akin.

"Kanina ka pa jan?" Tanong niya.

"Himala, ang aga mo? Ginigising pa lang kita, bihis ka na agad" dagdag pa niya.

"Syempre, excited na akong pumasok e." Sabay ngiti ng pagkalaki-laki na abot hanggang tainga.

"Maupo ka na jan, malapit ng maluto to."

Sinunod ko ang sinabi ni Mama, habang nag-aantay ay nag-cellphone muna ako. Halos tatlong araw din akong hindi nag-cellphone.

40 missed calls
59 text messages

Woahhhh. Napakarami naman. Inuna kong tignan kung sino yung mga nag missed call. Nagulat ako nung makita kong galing kay JP lahat ng yon.

Tinignan ko yung details, may one hour interval ang pagtawag niya. Ang tiyaga naman niya.

Sunod kong tinignan yung text messages. 40 text messages from JP. Na naman? Sa kanya na naman? Persistent ha. Anong magagawa ko? Nasaktan ako. Both physical and emotional. Hindi ko binuksan yung messages na galing sa kanya.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon