Chapter 46

451 10 0
                                    

Rafael's POV

Nasa ospital ako ngayon, nag-babantay pa rin kay Eureka. Ang tagal na rin simula nung nangyari ang lahat ng to.

Bigla ko na namang naisip yung napag-usapan namin nung doctor. Ilang linggo na pala ang lumipas nung sinabi niya sa akin yun.

*Flashback*

"Pwede ka ba naming makausap?"

Tumango naman ako at sumunod kay doc.

Nang makarating kami sa kwarto niya ay pinaupo niya ako. "Ano po bang gusto niyong pag-usapan?" Daretso kong tanong, di kasi ako pwedeng magtagal. Kailangan kong makabalik agad kay Eureka, walang nagbabantay sa kanya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Since wala namang kamag-anak si Ms. Montecarlo, ikaw na lang ang kakausapin namin. Tatapatin na kita ha, huwag ka sanang mabibigla."

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni doc, "Ano po ba yun?"

"Mas mabuti siguro kung i-let go mo na siya. Wala ng pag-asa. Ang tagal niyo na ring nandito, wala namang progress na nangyayari. Makina na lang ang bumubuhay sa kanya, lalaki lang ang bill niyo dito. Gagastos lang kayo sa wala. Hayaan mo na siyang magpahinga."

*End of Flashback*

Nakatitig lang ako kay Eureka. Mas lalo pa siyang namayat. Hinawakan ko ang kamay niya, I can't let her go. Umaasa pa rin ako na magigising ka.

Nawala na siya sa akin, hindi ko hahayaang pati ikaw mawala rin sa akin.

Wala akong pakialam kung gaano kalaki abutin ang bill mo dito sa ospital.

Nawala yung mga iniisip ko nung biglang mag vibrate yung phone ko.

Tinignan ko kung ano yun, pagka-bukas ko nung messenger ko, nagulat ako sa nakita ko. Isang invitation para sa birthday celebration NIYA.

Prank ba to? Hindi sila nakakatuwa.

Tinanong ko yung nagsend sa akin kung legit ba yung invitation, ang sabi legit daw.

Alam kong imposible yung naiisip ko at posibleng may mga nantitrip lang na ginagamit yung pangalan niya pero di ko mapigilang tanungin ang sarili ko... bakit wala akong invitation?

Dali-dali kong sinabihan yung nagsend sa akin na gawaan ng paraan para magkaroon din ako ng invitation, kailangan kong umattend sa birthday celebration na yon.

Bigla akong napatingin ulit kay Eureka.

Ang daming what ifs na tumatakbo sa utak ko ngayon. Bigla akong nagduda sa nararamdaman ko para kay Eureka.

Paano kung totoo yung invitation? Paano kung namimiss ko lang pala siya? Paano kung hindi ko pala talaga gusto si Eureka? Na alam kong wala namang patutunguhan kung itutuloy ko pa yung nararamdam ko sa kanya kaya ibinaling ko na lang kay Eureka? Paano kung magpakita nga siya? Paano si Eureka? Sino ang pipiliin ko sa kanila? Sino ang mas matimbang sa kanilang dalawa?

Bigla kong kinuwestiyon yung nararamdaman ko nung makita ko yung invitation? Kaya ko kayang piliin si Eureka kung sakaling magpakita nga siya? Kaya ko kayang hindi i-let go si Eureka gaya ng ginagawa ko ngayon kung sakaling magpakita nga siya?

Nalilito na ako sa nararamdaman ko. Gulong-gulo na ang utak ko, pati na rin ang puso ko.

Mga ilang oras pa ang lumipas, biglang nag message sa akin yung kausap ko kanina. Nagawaan na daw niya ng paraan para magkaroon ako ng invitation.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now