Chapter 37

687 17 4
                                    

Margaux's POV

Tatlong araw na ang nakalilipas simula nung sabihin nung doctor na na-coma si Eureka.

Simula non, hindi na ako kinakausap ni Daddy. Ewan ko ba, simula nung nalaman niya pangalan ni Eureka parang hindi na siya mapakali.

Tahimik naman ang school about sa nangyari, pati ang mga estudyante hindi nagsasalita. Tuloy ang buhay na para bang walang nangyari.

Yung video naman, burado na lahat. Sinigurado nung kakilala ni Daddy na walang may kopya kahit isa.

Nasa kwarto ako ngayon, at mukhang maaga akong matutulog. Antok na antok na ako.

Kinabukasan, pagkagising ko, alas siete na pala, tinanghali na ako ng gising. Binilisan ko na lang ang pagkilos ko at nagmamadaling pumunta sa school.

Pagpasok ko pa lang ng gate, nakita kong ang sama sama ng tingin sakin nung guard, sa pagkakaalam ko, ka-close ni Bea to.

Hindi ko pinansin yung guard, dare-daretso ako sa paglakad. Taas noo pa akong naglalakad. Bakit hindi? Wala naman akong ginawang kasalanan. Hindi ko naman napatay si Eureka, na-coma lang siya.

Habang naglalakad ako, napapansin kong ang sama ng mga tingin nila sakin. Anong meron? May dumi ba ako sa mukha? Mukha ba akong zombie? Hindi naman ako puyat ngayon ah.

Dumaretso lang ako hanggang sa makita ko si JP. Tumakbo na ako papunta sa kanya, "JP!" Sigaw ko kahit hingal-hingal na ako. Pero hindi man lang siyang nag-atubiling lingunin ako. Kaya hinabol ko ulit siya at hinawakan ang braso niya, "Pansinin mo naman ako."

Nung humarap siya sakin, nagulat ako sa mukha niya. Seryosong seryoso ang mukha niya, salubong ang kilay at nakakunot ang noo. "Not now, Margaux!" At pagkatapos ay naglakad na ulit siya.

Hindi ko na siya hinabol pa, mukhang wala sa mood si JP. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa tumigil siya sa tapat ng isang room. Matagal siyang tumayo sa labas nung room na yon bago tuluyang pumasok.

Pagkapasok niya sa room na yon, tsaka ako pumunta sa tapat non. PRINCIPAL'S OFFICE? Pero ano naman kayang gagawin niya sa Principal's Office? Ano man ang gagawin niya dito, sana maging okay siya.

Naglakad na ulit ako papuntang room, pagpasok ko pa lang ng pinto, biglang tumahimik ang lahat at tinitigan nila ako na para bang kakainin nila ako ng buhay.

Habang papunta ko sa upuan ko, napansin kong wala pa si Charla. Pati si Louis wala pa rin hanggang ngayon. Nasa ospital pa rin kaya siya? Nakakakain kaya siya ng ayos don? Bakit niya pa kasi binabantayan yon, mukha namang wala ng pag-asang magising pa si Eureka.

Hindi naman sa hinihiling kong hindi na magising si Eureka, pero...

Kung hindi na magigising si Eureka, edi sakin na ulit ang atensyon ng lahat. Si Daddy hindi na mamomroblema na baka kasuhan at makulong ako pag nagising si Eureka. Hindi na malalaman ni Mommy yung nangyari, hindi na siya madidisappoint sakin.

Ilang minuto pa siguro ang nakalipas, dumating na si Charla. Nagkatinginan kami habang nasa pintuan siya pero umiwas din naman agad siya ng tingin sakin.

Naglakad siya papunta sa upuan namin, nginitian ko lang siya hanggang sa lumagpas na siya sa may upuan namin. What? Nilagpasan niya lang ako. Tinignan ko kung saan siya umupo, doon siya umupo sa duluhan. Anyareeee?!

Biglang nag bulong-bulungan ang mga kaklase ko nung umupo si Charla
sa may bandang likuran, sinamaan ko sila ng tingin kaya natahimik sila.

Ilang oras na rin ang nakalipas, break time na. Hanggang ngayon hindi pa rin humabalik si JP, ano na kayang nangyari sa kanya?

Tinignan ko si Charla, umiwas na naman siya ng tingin sa akin. Nilapitan ko siya, "Pwede ba tayong mag-usap?" Tumango naman siya at sumunod sa akin hanggang sa makarating kami sa may hagdanan.

Parang dismayado ang mukha niya, "Totoo ba?" Seryoso niyang tanong.

"Ha?" Yan lang ang nasabi ko kasi hindi ko alam kung ano yung tinutukoy niya.

Kinuha niya ang cellphone niya at may ginawa muna bago iabot sakin. "Basahin mo."

Kinuha ko ang cellphone niya at inumpisahang basahin.

Mason University updated their status.

An Open Letter for The Late Bea Bianca Sandoval

Ano to? Bakit may pangalan ni Bea? Tinuloy ko ang pagbabasa.

Hi Bea, kamusta ka na? Pwede bang dito ko na lang sabihin sayo yung mga hindi ko nasabi nung last night mo?

Kanino galing to?

First of all, I'm sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. And thank you kasi ang kapalit non, naging kami ng taong mahal ko, si Margaux.

JP? Si JP ang may gawa nito? Tinuloy ko ang pagbabasa nung mapagtanto kong si JP ang gumawa nito.

She asked me to date you, at pag nagawa ko yon, magiging kami na. At first, pumayag ako, ayoko sana kasi ang taba taba mo tapos ang pangit mo, yun ang unang nakita ko sayo. As the time goes by, nakilala kita, yung katauhan mo, maybe you're not that pretty but your heart is as precious as gold.

Did he just make a confession? At ako ang tinuturo na nasa likod nung nangyari kay Bea noong Christmas Ball.

Nung nakita kita kung paano ka umiyak non sa mall, alam ko na hindi na tama ang ginagawa ko. I wanted to quit, pero pinigilan ako ni Margaux. Ang sabi niya, malapit na yung Ball, bakit pa ako aayaw. And then, she asked me if I don't want to be with her anymore. Umiral na naman ang kasakiman ko sa pagmamahal niya, kaya kahit labag sa loob ko, pumayag ako na ituloy yung plano.

Wala akong nagawa Bea. And I'm very very sorry for hurting you.

Sinasabi ko sayo to ngayon, kasi hindi ko na kayang dalhin to. Sobrang bigat na ng loob ko. Hindi ako nakakatulog gabi-gabi ng maayos kasi lagi kong napapanaginipan yung nangyari sa Christmas Ball.

Napaiyak ako nung mabasa kong mabigat ang loob ni JP, na hindi siya makatulog gabi-gabi dahil sa nangyari noon. Ako ba ang may gawa non kaya nagkakaganyan siya?

It's been three years and seven months, I think it's time for you to know the truth. You deserve to know the truth.

It's been four years, bakit ngayon pa lumabas to? Matagal ng tapos ang issue tungkol sa nangyari noon, hindi nga alam yun ng mga bagong estudyante dito at walang nagtangkang magkwento sa kanila. Bakit kailangang alalahanin ulit ang pangyayaring nakabaon na sa limot? Hindi pa nga tapos yung issue kay Eureka, naagapan lang ni Daddy tapos may ganitong lalabas na issue? Bigla kong naalala si JP na pumunta siya ng Principal's Office, kaya ba nandoon siya? Gawa nitong open letter?  Bakit mo to nagawa JP?

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now