Chapter 49

406 9 0
                                    

Rafael's POV

Nasa loob na kami ng bahay ngayon. Nanginginig ako sa galit, bakit ako pinaglalaruan ng ganito?

"Hello?" Panimula ko.

"Sir na-trace ko na po kung saan nanggaling yung email na sinend kay Ms. Lim."

"Nakuha mo ba pangalan?"

"Hindi po sir, pero nakuha ko po ang address."

"Talaga? Saan?"

"1011 Bella Village, Aguinaldo Highway, Tagaytay City. "

"Tawagan na lang kita mamaya."

Yan ang pag-uusap namin kanina. Ano ba tong nagyayari samin? Panaginip lang ba to? Nasa harap ako ng bahay kung saan nanggaling yung email. Yung address na nasa librong binigay sakin at yung address kung saan nanggaling yung email ay iisa.

Sino ka ba talaga? Bakit mo kami pinaglalaruan ng ganito?

"Maupo po muna kayo, tatawagin ko lang po si Ma'am." Ang sabi sa amin ng isang katulong.

"Grabe ang laki ng bahay na to. Parang sa movie lang ako nakakakita ng ganitong bahay. Napakayaman siguro nung nakatira dito. Sino bang pinuntahan natin dito?" Pag-uusisa ni JP.

"Hindi ko rin alam. At yun ang aalamin natin ngayon." Daretso kong sagot. Napagdesisyonan ko kasing ipa-trace kung kanino nanggaling yung email na sinend kay Margaux, baka sakaling malaman namin kung nasaan si Bea.

Kung si Bea nga yung nasa party, iisipin ko na baka bahay nila to. Pero paano mangyayari na yung address ay nasa librong binigay sa akin? Isa lang ang sigurado ko ngayon, iisang tao lang ang may gawa ng lahat ng to. Sino? Hindi ako uuwi hangga't hindi ko nalalaman kung sino ba talaga ang taong yon.

"Sila ba ang mga bisita natin?" Tanong ng isang babae, parang pamilyar sakin yung boses niya.

"Opo, ma'am."

"Hello, how can I—" bigla siyang napatigil sa pagsasalita nung magkatitigan kami.

"Rosey?!" Gulat kong sabi. Teka, anong ginagawa niya dito?

"Kuya?!"

"Anong ginagawa mo dito?!" Sabay naming tanong sa isa't isa.

"Diba dapat ako ang nagtatanong sayo ny—" bago ko pa maituloy ang sinasabi ko ay biglang sumabat sa usapan si JP, "Wait! Rosey? Kuya? Magkakilala kayo? Diba solong anak ka? T-teka namumukhaan kita, ikaw yung laging ka-date ni Louis pag may party diba?"

"Oo, noon... Nung hindi ko pa alam na may anak pala si Daddy sa ibang babae. At oo siya nga yung lagi kong ka-date kapag may party. Tsaka ko na ikukwento sayo." Binalik ko ang tingin ko kay Rosey, "So, ano ngang ginagawa mo dito?"

"D-dito ako nakatira."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, paanong siya ang nakatira dito?

"Ano? Dito ka nakatira? Bro hindi mo naman sinabi sakin na bahay niyo pala to. May 'hindi ko alam' ka pang nalalaman nung tinatanong kita kung sinong pinuntahan natin dito."

I swear, hindi ko talaga alam. "JP, pwede mamaya na side comment? Hayaan mo muna kaming mag-usap, mamaya ka na sumabat. Rosey, paanong dito ka nakatira? Tsaka ang sabi ng investigator ko dito nanggaling yung email na sinend kay Margaux. Sino pa iba mong kasama dito? Imposible namang ikaw ang nagsend non, hindi naman kayo magkakilala ni Margaux diba?"

Tinignan ko siya pero tumungo lang siya, "Noooo! Imposibleng ikaw ang may gawa non. Tsaka papaano mo naman mabubuksan ang email ni Bea, hindi rin naman kayo magkakilala."

Itinaas niya ang kanyang mukha at tumingin ng daretso sa akin, "Oo, ako nga ang nag-send non. Maaaring hindi kami magkakilala, pero kilalang kilala ko siya. Alam ko rin lahat ng mga ginawa niya kay Bea Bianca!"

Bea Bianca? Wala naman akong binanggit na Bianca kanina. Nilapitan ko siya at hinawakan ng mahigpit sa braso, "Sabihin mo nga sakin, bakit mo ginagawa to? Paano mo nalaman na Bea Bianca ang pangalan niya? Y-yung i-invitation? S-sayo din ba yun nanggaling?"

"Paano kung oo? Itatakwil mo rin ba ako gaya ng pagtakwil sa akin ng tatay mo? Kilala ko si Bea! Nung pumunta kayo sa mall at kumain sa pinagtatrabahuhan ko, doon ko siya nakilala. Iniwan mo siya remember? Hindi ko pa alam non na kapatid pala kita. Napakabait niya, nakita ko kung paano at gaano katagal ka niyang inantay hanggang sa wala na siyang magawa kundi umiyak. Nang mamatay ang nanay, ipinagtapat niya sa akin ang lahat. Wala akong ibang mapuntahan kaya pumunta ako sa inyo pero nung nakita ko kayong masaya, hindi ko kayang sirain yung pagsasamahan niyo dahil alam ko na kapag nagpakilala ako magkakagulo kayo. Wala akong choice, kailangan kong mabuhay, kaya pumasok ako sa inyo bilang katulong. Okay naman ang lahat, dun ko rin nalaman na napakabait mo, hindi mo ko tinuring na katulong dahil ang sabi mo para mo na akong nakababatang kapatid..." Bigla siyang natigil sa pagkukwento nung mapaiyak siya. "Nakakatawa lang no? Kasi ang saya-saya ko non, kahit gusto kong sabihin sayo na magkapatid tayo, hindi ko magawa. Pero dumating yung araw na nakita ng TATAY MO yung picture ng nanay ko. Nung nagpakilala ako na anak niya ako, mas lalo siyang nagalit. Hindi niya ako pinaniwalaan, bakit? Dahil one night stand lang naman daw yung nangyari sa kanila. Hindi na nga ako pinaniwalaan, pinalayas pa ako! Hindi ko alam kung saan ako pupunta non, palakad-lakad lang ako hanggang sa maalala ko si Bea..."

"Asan si Bea? Sabihin mo sakin kung nasaan siya. Nakita namin siya sa party." Pag-sabat ni JP kaya naputol na naman ang kwento ni Rosey.

Tinignan niya si JP at biglang tumawa, "Nung party? Ako yun! Ciao. Ciao a tutti. HAHAHA! Saglit niyo lang ako nakita kaya di ko naman alam na naniwala kayo na si Bea ang nakita niyo. At ikaw naman kuya, hindi na nga kita sinendan ng invitation, pumunta ka pa rin!"

"Sabihin mo nga sakin, paanong ikaw ang nakita namin? Hindi naman kayo magkamukha ni Bea!" Bumalik ang tingin sa akin ni Rosey nung magsalita ako. "Have you even heard of MakeUp Transformation?" Balik na tanong niya sa akin. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso niya. "Anoo ba? Bitawan mo ko, nasasaktan na ako!" Hindi ko pa rin siya binibitawan, "Talagang masasaktan ka kapag di ka nagsabi ng tot—"

"Sean?"

Napabitaw ako kay Rosey ng may biglang bumanggit ng pangalang Sean. Ano ba to? Kung anu-ano na naririnig ko. Imagination ko lang ata yun. Umupo ulit ako sa tabi ni JP. "Sorry Rosey, nabig—"

"Sean?"

Naputol na naman ang sinasabi ko ng may marinig na naman ako na tumawag sa pangalan na Sean.

"Sean? Andito na ako."

Ayan na naman. Natataranta na ako. Pilit kong tinatakpan ang tainga ko. Ayokong marinig yun.

"Bro? Anong nangyayari sayo?"

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now