Chapter 17

847 25 1
                                    

Dumating na ang pinakahihintay na araw ng lahat. Ang araw ng kasiyahan, ang christmas ball. First time ko lang aattend sa party at pumayag na rin ako na makadate si JP.

Flashback

After naming mag-usap ni Rafael sa playground, laking gulat ko nang makita ko si Jp na nakaupo sa sofa namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko. Nakakapagtaka naman kung bakit siya nandito, nag-usap na naman kami nung isang linggo.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako dito after lunch." Ayy wow! Kanina pang lunch? Ano na naman kayang sasabihin nito.

"Bakit ka ba nandito? Di ba nag-usap na tayo nung isang linggo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bea, please. Be my date. Matagal na natin tong naplano diba? Please, wag mo naman akong iwan sa ere. Nakakahiya naman pumunta mag-isa sa Ball tapos si Margaux may kadate na iba." Parang naiintindihan ko na ngayon.

"Kaya ka ba nandito? Kaya mo ba ako kinukulit na maging date mo pa rin? Kasi may ibang kadate si Margaux? Ganun ba yun?" Mahinahon ang pagkakasabi ko, syempre naiintindihan ko naman. Kaya lang, hindi na kasi ako ganon ka-excited pumunta ng Ball. Di tulad noon na gusto kong mapabilis ang pagdaan ng araw kasi sobrang gusto ko ng pumunta sa Christmas Ball kasama siya.

"Hindi naman sa ganon."

"Pero parang ganon na rin?" Pambabara ko sa kanya.

"Bea naman... akala ko ba okay na tayo? Akala ko ba napatawad mo na ako?" Nagpaawa pa, huwag ka namang ganyan. Baka di na ako makapagpigil. Hahaharot ko.

"Okay." Maikli kong sagot.

End of Flashback

Inaayusan pa rin ako ni Mama Ey. Siya yung baklang laging trip mag make up sa akin.

Matapos niya akong make up-an ay iniharap na ako sa salamin.

"You look so fabulous Bea." Sabi nito habang nakangiti sa akin.

"Ako ba talaga to Mama Ey? Anong hiwaga ang inilagay mo sa akin? Ikaw ba ang fairy godmother ko? Hanggang 12 midnight lang ba tong gandang to? Infairness ah, nagmukhang payat yung mukha ko." Hinahawakan ko ang mukha ko, finifeel ko yung kagandahan ko ngayon.

Binatukan ako ni Mama Ey. "Aray naman!" Pag-apila ko. "Gaga! Ano ka? Si Cinderella? Na ang prinsipe mo ay si JP?" Napakamot na lang ako ng ulo ko. Panira ng moment!

Nagbihis na ako ng dress ko, simple lang. Color blue, masasabi kong nagmukha talaga akong payat ngayon. Feeling ko ang ganda ganda ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko.

"Tadahhhhh!" Bungad ko sa kanila kaya napalingon sila sa akin lahat.

"Oh My G! You look fabulous and totally wonderful." Sabi sa akin ni Mama Ey habang pumapalakpak.

"Do I really look like that?"

"No... Because you're the most beautiful girl I've ever seen Bea Bianca." Nagulat ako sa narinig ko.

Nandoon na pala si JP sa may pinto namin. Nagulat naman ako don. Kahit ano man ang nangyari samin, medyo naeexcite pa rin naman ako.

"Shall we go?" Yaya nito sa akin. Tumango lang ako at nagpaalam kala Mama.

Nang makarating kami sa venue ay napansin kong napabuntong hininga si JP bago bumaba sa kotse at pagbuksan ako ng pinto.

"May problema ba? Sabihin mo lang hangga't hindi pa tayo nakakapasok."

"Wala to. Hindi ko kasi akalain na ikaw pa rin ang makakasama ko ngayon. Let's go?"Pagkatapos ay ngumiti siya.

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

Habang naglalakad ako, isa-isa kasi ang pag entrance. Feeling ko talaga ako si Cinderella, at si JP ang prince charming ko. To be honest, gusto ko pa rin naman si JP. Kaya nga lang, kailangan kong kontrolin ang emosyon ko.

Nang makarating ako sa gitna, kitang-kita ko si JP na papalapit sa akin

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Nang makarating ako sa gitna, kitang-kita ko si JP na papalapit sa akin. Ang ibang mga estudyante naman ay nakatingin lang sa amin na tila ba nanonood romantic love story. Kung hindi nga lang dumating si Margaux, baka totoong romantic love story na ang nangyari. Kaso ang nangyari, parang ako pa ang kontrabida sa love story nilang dalawa.

Nilapitan niya ako at may hawak siyang isang bouquet of white roses. Binigay niya ito sa akin at hinalikan ako sa noo. Ang sweet ni JP no? Akala mong totoo talaga. Hahahahasakit.

Pumunta na kami sa aming upuan. Gusto kong maging masaya ngayong gabi kahit alam ko naman na hindi 'to totoo. Masama bang hangarin na maging masaya kahit ngayong gabi lang?

Nagsimula ng patugtugin ang mga love songs. Kami naman ay nakaupo pa rin.

Hanggang sa dumating ang hatinggabi. Eksaktong alas dose ng madaling araw ay nagsayaw kami. Dumami ang mga sumasayaw kaya nasiksik kami ng nasiksik. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala silang umaalis, hanggang sa kaming dalawa na lang ang natirang sumasayaw.

Hindi ko muna inisip si Margaux. Ang mahalaga, kaming dalawa ni JP. Para akong nasa fairytale. Sa cinderella, alas dose natapos ang kasiyahan niya. Sa akin naman ay alas dose pa lang magsisimula.

Masasabi kong ito na ang pinakamasaya at pinakamemorable na nangyari sa akin. Sana huminto na lang ang oras at hindi na dumating ang mamaya. Dahil sa oras na dumating na ang mamaya, siguradong mapipilitan akong gumising sa panaginip ko.

Tumingin ako sa kanya, kung titignan mo ang mga mata niya ay parang totoo lahat ng pinapakita niya. Na parang sinasabi ng mga mata niya na gusto niya rin ako.

Nagpatuloy pa kami sa pagsasayaw kahit kaming dalawa na lang ang sumasayaw. Yung iba ay vinivideohan pa kami.

Napansin kong kumindat siya pero hindi sa akin. Hudyat na ba yun ng surpresa niya?

Nang natapos na ang tugtog ay tumigil na kami sa pagsasayaw pero hindi pa rin kami umaalis sa pwesto namin.

Nagkatitigan kami, hanggang sa papalapit na siya ng papalapit sakin. Tinulak ko siya "What are you doing?" Ngumiti lang siya at mas lalong lumapit sa akin. "Diba ang sabi nila, kapag nasa ilalim kayo ng mistletoe ay kailangan mag kiss?"

Lumayo siya ng kaunti sa akin. Lumingon ako sa itaas ko, totoo ngang nasa ilalim kami ng mistletoe. Wala akong nasabi.

Nakita ko na lang na papalapit na naman siya sa akin samantalang may nag piring naman sa akin. Wala na akong nagawa, hinayaan ko na lang.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora