Chapter 55

410 7 0
                                    

Bea Bianca's POV

*tok* *tok*

"Rosey may kumakatok."

*tok* *tok*

"Rosey?"  Asan kaya si Rosey? Kanina ko pa tinatawag, ako tuloy magbubukas ng pinto.

*tok* *tok*

"Sandali lang."

*tok* *tok* *tok* *tok*

"Sandali lang sabi! Hindi makapag-antay?!"

Sino naman kaya tong kumakatok, wala naman akong ine-expect na bisita. Kung maka-katok naman, wagas. Parang wala ng bukas.

*tok* *tok* *tok*

Pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pinto, "Sino ba sila? Sinabing sandali lang, katok kay—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Ni-hindi ko rin alam ang sasabihin ko dahil sa nakita ko. Totoo ba talaga to? Sila ba talaga ang nasa harapan ko?

"M-ma? P-pa?" Utal-utal kong sabi.

"B-bea? Anak?"

Siya nga si Mama, tagal ko ring hindi narinig ang boses niya. "Maaaaaa" hindi ko alam ang mararamdaman ko. Dapat ba akong matuwa dahil nasa harapan ko na sila ngayon o dapat ba akong malungkot kasi ngayon lang kami nagkita-kita?

"Beaaaaa"

Dahil hindi ako makatakbo, sila na lang ang tumakbo papunta sakin at pagkatapos ay niyakap ako. Niyakap ko rin sila ng mahigpit. Hinayaan ko na ang sarili ko na umiyak ng umiyak.

"Hindi ko naisip na makikita ko pa ang prinsesa ko. Ang ganda ganda mo." Sabi sa akin ni Papa, ngayon ko lang siya nakita in person.

"Bea... Anak... Ano bang nangyari? Tsaka bakit ka naka-wheel chair?" Pagtatanong sakin ni Mama.

"Mahabang kwento po, Ma. Pumasok muna kayo." Akmang iiikot ko na yung gulong ng wheel chair nang itulak ako ni Papa. "Thank you po." Sa totoo lang kasi, ang hirap ng naka-wheel chair lalo na kapag mag-isa ka lang.

Nang makarating kami sa living room, pinaupo ko sila sa sofa. Si papa naman, inalalayan niya ako hanggang sa makaupo rin ako sa tabi nila sa  sofa.

Kinuwento ko sa kanila ang lahat-lahat. Lahat ng nangyari sa akin. Kung paano nangyari na nakaligtas ako sa plane crash, kung sinong nakakuha sa akin, kung paano ako nag-pursigi para marating ko ang kinatatayuan ko ngayon, at syempre, kung paano ko pinag-planuhan ang paghihiganti ko. Lahat ng detalye tungkol sa paghihiganti ko ay sinabi ko rin sa kanila. Inumpisahan ko sa pag-iimbestiga sa mga buhay nila at kung saan sila nag-aaral, yung pag-sipot ko sa Christmas Ball at pagkatapos ay naglaho na parang bula, yung pagsali ko sa spoken poetry, yung pagkalat ng video na tinatapunan ako ng kaning baboy habang nagpapakilala ako sa klase bilang Eureka, yung pag-aresto kala Margaux, pati na rin yung Birthday Celebration na si Rosey ang lumabas.

"I'm sorry Ma, Pa. Alam kong magagalit kayo sakin kaya minabuti ko na rin na huwag ipaalam sa inyo na buhay pa ako at nasa Pilipinas ako. Ayokong guluhin ang buhay niyo, ayoko kayong madamay sa mga pinaggagagawa ko sa buhay. Sorry talaga. Sorryyyyyyy." Sabi ko sa kanila pagkatapos kong ikwento ang lahat. Niyakap ko sila ng napaka-higpit.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now