Chapter 44

526 15 2
                                    

XoxoBe's POV

Nakahiga lang ako habang nagpapatugtog nung bigla akong makatanggap ng notification. Notification from gmail app, may isang sobrang familiar na pangalan ang nag-email sa akin.

Margaux Lim

Napangisi ako nung makita ko yung pangalan niya, ano naman kaya ang naisipan ng babaeng to at nag-email sa akin?

Babasahin ko ba o babasahin ko? No choice naman ako dahil curious din ako kung anong nakalagay doon. Pagkatapos kong pindutin yung email, napa-wow na lang ako sa haba.

Nakainom ba siya nung sinend niya to? Mukhang mahaba-habang basahin to, kaya inumpisahan ko rin agad.

Hi Be, hindi ko alam kung paano magsisimula...

Wow! Sino siya para tawagin akong Be? Nagdadalawang isip na tuloy ako kung babasahin ko pa, umpisa pa lang parang ayaw ko na.

...Alam ko naman na hindi mo na mababasa to pero ipupush ko pa rin tong email. Kung mabasa mo man, siguro iisipin mo na na-wrong send ako o kaya nababaliw na ako kasi kung anu-ano sinasabi ko, pero napaka-imposible naman na mabasa mo to. Wala namang mawawala na sakin, nawala na sakin lahat. At ikaw ang unang nawala sakin...

Really? Paano niya nakayanang sabihin na ako ang unang nawala sa kanya? Saan siya humuhugot ng kapal ng mukha? Napayukom na lang ang mga kamay ko.

...I'm sorry Be, nagpalamon ako sa galit ko, sa mga insecurities ko, sa inggit ko sayo. Alam kong walang kapatawaran yung mga nagawa ko sayo, pero humihingi pa rin ako ng tawad. I know it's too late, pero diba sabi nila it's better to be late than never. Wala namang masama diba?...

Buti alam mo na walang kapatawaran ang mga ginawa mo sa akin? Akala ko gagaan ang pakiramdam kapag humingi ng tawad ang taong nagkasala sayo, pero hindi pala. Parang lalo lang ako nagalit sa kanya simula nung malaman ko ang totoo, bumalik sa akin ang lahat ng sakit. Araw-araw akong binabangungot, paulit-ulit kong napapanaginip yung pangyayaring iyon.

...Dahil don, nakapag-decide ako na it's time para itama na ang mga mali kong nagawa. Kaso, mukhang hindi ko na maitatama yung mga mali kong nagawa sayo...

Ano kayang nararamdaman mo ngayon na kahit gusto mong itama ang mga mali mo, na kahit gusto mong humingi ng kapatawaran sa taong nagawaan mo ng masama ay hindi mo magawa dahil walang pagkakataong ibinibigay ang tadhana sayo. This time, kakampi ko ngayon ang tadhana.

...Siguro kung mababasa mo to, nauumay ka na. Baka nga hindi mo tapusin...

Wala na nga akong balak tapusin pero mukhang interesting mga sasabihin mo kaya pipilitin kong tapusin kahit gaano pa kahaba tong email mo.

...Pero kung natatandaan mo lang yung nakaraan,...

Natatandaan ko, tandang-tanda ko.

...gustong-gusto mong nagkukwentuhan tayo habang nagkukulitan. Naalala ko pa, gusto mo lagi mag-shopping tapos bibili tayo ng magkaparehong bagay para matchy matchy tayo. After natin mag shopping pupunta tayo sa dvd store para mag rent ng gusto nating panoorin kasi diba mahilig tayong mag-movie marathon sa inyo o kaya samin...

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα