Chapter 53

398 6 0
                                    

Margaux's POV

"Be? Ikaw ba talaga yan?"

Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kalagayan niya ngayon, nakaratay siya sa higaan at nanghihina. Kung anu-ano rin ang nakakabit sa katawan niya.

"Mars, buti naman nakarating ka. Kanina pa kita inaantay." Pagkatapos ay nginitian niya ako. Pinilit niyang bumangon pero hindi pwede.

Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Alam mo yung ang dami mong gustong sabihin sa kanya pero ngayong kaharap mo na siya, para kang na-pipe kasi hindi ka makapag-salita.

"Mars... Asan na yung red velvet cake? Gusto kong kumain, namiss ko yun. Pati ikaw namiss ko rin."

"Huy!" Niyugyog ako ni ate girl Rosey, hanggang ngayon pala nakatitig pa rin ako kay Bea. "H-ha? Ano yung sinabi mo?"

"Asan daw yung cake! Alam mo na ngang hirap magsalita yung tao, hindi ka pa nakikinig!" Pagkatapos ay siniringan ako ni ate girl. Attitude ka talaga, kung ako pa rin yung spoiled brat na Margaux, baka kanina ko pa nasungalngal ang bunganga nitong bruhildang to. Dukutin ko mata mo dyan! Pero dahil nagbago na ako, relax lang Margaux.

"Yung cake? Yung cake kasi nabitawan ko kanina." Tumakbo ako papunta kay Bea at niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry Bea, hindi ko sinasadya." Naramdaman kong hinahagod niya yung buhok ko, "Shhh, don't cry na. Cake lang yun." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Hindi lang sa cake, I'm sorry talaga Beeee. Sorry sa lahat, I've been a bitch to you. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan dahil sa dami ng atraso ko sayo. Sorry talaga." Hindi ko na napigilang umiyak, humagulgol na ako habang nakayakap kay Bea. "P-pero... p-paano? T-tsaka ba-bakit S-Sean tinawag mo kay L-Louis?" Utal-utal kong tanong.

"Papasukin mo sila, Rosey." Utos ni Bea kay ate girl na ma-attitude.

"Yes, Ms." Magalang na sagot niya kay Bea.

Bakit kapag si Bea kausap niya parang maamong tupa? Tapos pag ako kausap niya, kulang na lang sumpain niya na ako.

Pinalayo muna ako nung nurse at tinulungan niya si Bea na makabangon, pero nakaupo lang siya at naka-sandal sa kama.

Nagmamadaling pumunta si Louis kay Bea kaya nag-give way na ako. Si JP naman ay tumabi sa akin.

Umupo siya sa upuan na katabi ng kama ni Bea at hinawakan ang kamay niya. Kami naman ni JP, dito nakaupo sa mini sofa na malapit lang din sa kama ni Bea.

"Bianca, ikaw ba talaga yan? Totoo ka ba talaga? Baka niloloko mo lang ulit kami?" Nakita kong sinamaan ng tingin ni Bea si Louis at sinabing "Bitawan mo nga ako! Pinapasok ko kayo kasi sasagutin ko yung mga tanong niyo."

"Bianca naman, wag ka namang ganyan. Hindi mo ba ako namiss? Sobrang namiss kita. Akala ko wala ka na talaga." Sa tono ni Louis ay parang naglalambing siya. "Oh, akala ko ba hindi ako yung gusto mo? Nagbago ba ang ihip ng hangin?"

"Bianca nama—"

"TUMIGIL KA!" At tumigil naman si Louis.

Inilipat namin yung sofa sa may kama ni Bea, magaan lang naman.

Dahil walang gustong magsalita sa kanila, ako na unang nagtanong.

"Totoo bang ikaw talaga si Bea? Tsaka bumalik na ang alaala mo?" Ramdam ko naman na siya si Bea pero kailangan kong manigurado. Sa dami ng nangyari sa amin, parang ang hirap maniwala agad.

"Parehong oo ang sagot ko sa mga tanong mo."

"Paano mo mapapatunayan?"

"Ayoko sanang sabihin to Mars pero... may balat ka sa pwet." Nag-tawanan silang lahat.

Bigla tuloy akong namula sa kahihiyan, "Ano ba Bea, nakakahiya. Ang dami-daming pwedeng sabihin, bakit ayan pa."

Tumawa muna siya bago mag-salita, "Sorry Mars, yun lang ang alam kong sagot na makapagpa-paniwala agad sayo na ako si Bea at bumalik na ang alaala ko."

"Bea... about dun sa nangyari sa party. Sorry talaga. Nasa email lahat yung dahilan kung bakit. Di kasi ako pinapatahimik ng konsensya ko." Naka-yukong sabi ni JP.

"Wag ka ng tumungo dyan. Matagal na yun, okay na yun."

"Pero Bea, bakit sabi sa balita kasama ka sa namatay? Tsaka may nakuhang bangkay na in-identify na ikaw yun kasi nasa kanya mga gamit mo. Paano ka naging si Eureka?" Sunud-sunod na tanong ni JP.

"Hindi kami magkakatabi nila Mama noon, kinailangan kong mag-cr kaya inihabilin ko muna yung mga gamit ko sa katabi kong babae, medyo chubby din siya kaya siguro hindi na kayo nag-duda sa bangkay. May nakakita sa akin na mag-asawang ipinagluluksa ang kanilang anak dahil isang taon na itong namatay dahil sa pagkalunod. Nung una, wala talaga ako sa tamang pag-iisip. Ni-hindi nga nila ako makausap ng ayos. Inalagaan nila ako hanggang sa maka-recover ako. Bumalik ako sa Pilipinas pero wala ng tao sa bahay namin, dun ko rin nalaman na patay na pala ako. Nung maging malinaw na sa akin ang lahat ng nangyari, galit na galit ako kasi hindi ko deserve lahat ng dinanas ko. Bumalik ako sa mag-asawang nag-alaga sa akin, pinilit kong mabuhay. Nag-aral akong mabuti, nag-papayat, at nagpa-puti. Namuhay ako bilang isang Montecarlo. Ginusto kong maka-ganti kaya pinag-planuhan ko ng maigi ang lahat bago bumalik dito sa Pilipinas."

"Pinag-planuhan? Hindi ko maint—" hindi ko na naituloy yung sinasabi ko dahil siniko ako ni JP, binulungan niya ako na ikukwento na lang niya sa akin.

"Sila Tita alam na ba na buhay ka? Kailan pa bumalik ang alaala mo?" Nagtanong na si Louis.

Nakita kong tumungo muna si Bea bago sumagot, "Hindi. Hindi pa alam nila Mama na buhay ako at nasa Pilipinas. Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin lalo na kapag nalaman nila ang pinag-gagagawa ko. Nang magising ako galing sa pagkaka-coma, doon unti-unting bumalik ang mga alaala ko nung bata pa ako. Nung akala ko naalala ko na ang lahat, doon ko napag-desisyonan na lumantad na sa lahat. Pero nung narinig ko na pupunta ka rin sa party, si Rosey ang pinapunta ko sa party para mag-pakilalang Bea habang ako ay umalis na sa ospital ng walang paalam. Nag-iwan ako ng address sa librong ibinigay ko sayo, katulad yun nung librong ibinigay sa akin na may nakalagay na S.R. at dun ko naalala kung sino si S.R. sa buhay ko. Naalala ko kasi gustong-gusto mo yung libro na yun. Hindi ko naman in-expect na aakalain niyong patay na ko."

S.R.? Sean Rafael?

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon