Chapter 50

437 5 1
                                    

Rafael's POV

"Kuya okay ka lang?" Pagtatanong sa akin ni Rosey nang lapitan niya ako.

"Magkapatid kayo?"

Biglang naglakad Rosey, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa isang babaeng naka-wheel chair na naka-shades.

"Ms. sorry di kita nasalubong. May bumisita kasi."

Nakita kong hinawakan nung babae ang kamay ni Rosey, "It's okay, andito naman si Mae para itulak ako. Asan ba si Sean? Kanina ko pa siya tinatawag, hindi nasalubong sa akin."

Bigla akong kumalma nung malaman kong siya pala yung nagsasalita kanina. Akala ko hallucinations ko na naman yun. Mae? Yun siguro ang pangalan nung nurse na nasa likod niya.

"Baka natutulog lang. Sige Mae, ako na bahala sa kanya. Kunin mo na lang muna yung gamot niya, oras na para uminom." Agad na pumasok sa loob yung nurse. Tinulak naman ni Rosey yung babae papalapit sa amin.

"What brings you here?" Pagtatanong sa amin nung babae.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Asan na ba si JP? Ang tagal naman niyang mag-cr. Sabi niya kasi kanina nung lumapit sakin si Rosey, iihi lang daw muna siya. Napakatagal naman niya, kinakabahan talaga ako.

"Hellooooo? May kausap ba ako?"

"Huy Kuya, tinatanong ka." Natulala na pala ako sa sobrang kaba. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Wala naman akong ginagawang masama.

Nahihiya lang siguro ako, baka kasi narinig at nakita niya yung mga pinaggagagawa at sinabi ko kay Rosey. Nakakahiya talaga kung sakaling nakita niya yun. Nawala kasi sa isip ko na baka may iba pang kasama si Rosey sa bahay.

Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si JP, "Brooo, grabeeee. Pati cr nila dito, ang gandaaa. Mas maganda pa sa kwar— h-hello po." Biglang namula ang mukha ni JP, umupo ulit siya sa tabi ko at binulungan ako. "Hindi mo naman sinabi sa akin na may ibang tao pala. Nakakahiya. Binanggit ko pa yung tungkol sa cr."

"Oh, hello JP. Andito ka rin pala. Anong atin?"

Bigla kaming napatingin pareho nung binanggit niya ang pangalan ni JP. "Kilala mo siya?" Bulong ko sa kanya. "Hindi." Maikli niyang sagot.

"Magbubulungan na lang ba kayo? Bakit ba kayo nandito?"

Magsasalita na sana ako nung may tumahol.
*Arf* *Arf*

Agad na iniharap ni Rosey yung wheel chair kung saan manggagaling yung aso. Nakatalikod sila sa amin.

"Seaaaaannnnn! Come here boy, mommy's here." Agad naman na tumakbo yung aso papalapit dun sa babae habang kumakawag ang buntot.

Habang umiinom kami ng juice, natawa ako nung nalaman kong aso pala yung nagngangalang Sean.

Nakita kong tinanggal niya ang shades niya. Nang tuluyang makalapit yung aso, iniupo niya yung aso sa hita niya at niyakap ito. "Namiss mo ba si mommy? Miss na miss ka ni mommy. Ay oo nga pala, may ipakilala sayo si mommy." Kinakausap niya yung aso na para bang tao.

*Bogsh!*

Nabitawan ko na pala yung juice na iniinom ko nung iharap ni Rosey sa amin yung babae.

Namamalikmata ba ako?

"Sean, meet your Tito JP. And ofcourse, your Daddy Louis." Ibinaba niya yung aso kaya agad naman itong tumakbo papalapit sa amin at dinila-dilaan kami.

Da-da-daddy Louis? A-ako? D-daddy?

"Mukhang gusto niya kayo ah." Bumalik yung atensyon ko sa kanya nung magsalita siya ulit.

"E-eureka? I-ikaw b-ba y-yan?" Utal-utal na tanong ni JP.

"Ano ba guys? Para naman kayong nakakita ng multo." At pagkatapos ay tumawa siya. Hindi rin nagtagal, biglang sumeryoso ang mukha niya. "Don't tell me na... Akala niyo ba patay na ako?"

"Hindi nga ba?"

"Seryoso? Ano ba kayo guys? Eto ako sa harap niyo oh, buhay na buhay."

Lumapit si JP kay Eureka at pinisil-pisil, "Ikaw nga yan Eureka. Akala naming lahat patay ka na. Louis, buhay si Eureka! P-pero bakit naka-wheel chair ka?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni JP.

"Ma'am, andito na po yung gamot niyo."

Nanlaki ang mga mata ko, "Naaalala ko na! Ikaw yung nurse na naglilinis sa kwarto ni Eureka noon. Ikaw yung nagsabing patay na si Eureka!" Sabi ko sa nurse. Napatingin sa akin yung nurse, kita ko sa mukha niya ang pagkabigla.

"Wala po akong sinabing patay na si Ma'am. Ang sabi ko po umalis na. Bigla po kayong umiyak, mukha na nga po kayong magwawala non kaya umalis po agad ako. Natakot po ako sa kinikilos niyo nun."

"Ang sinasabi mo ba, mukha akong tanga non na umiiyak na lang bigla?"

"Hindi naman po Sir, nagulat lang po talaga ako non bigla kayong umiyak, sumisigaw na rin po kayo non. Hindi ko naman po alam na ang pagkakaintindi niyo dun sa sinabi kong umalis na ay patay na."

Napahawak na lang ako sa ulo, wala na akong masabi.

"Kaya pala walang nagpaparamdam sakin. Kaya pala walang bumibisita, kasi akala niyo patay na ako. Louis? JP?"

Hindi ako makatingin kay Eureka, di ko alam ang gagawin ko. Gulong-gulo na utak ko.

"I'm sorry Eureka, kasi naman nung pagpasok namin sa kwarto umiiyak na si Louis. Nagsisisi na dapat hindi ka niya iniwan non para lang umattend ng party."

"Party? Oo yung party. Kung dito ka rin nakatira, dito rin nakatira si Rosey, dito nanggaling yung email, ibig sabihin ba non kasabwat ka? May alam ka sa lahat ng nangyari? Pero paano? Imposible kasi coma ka that time, sigurado ako kasi ako ang nagbabantay sayo. Tsaka paano kayo nagkakilala?" Napakaraming tanong ang naglalaro sa utak ko ngayon.

"Ganito kasi yun kuya..." hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil pinigilan siya ni Eureka, "So you mean to say, pumunta dito dahil kay Bea at hindi para sakin? I see. Nung inakala niyo bang patay ako, ipinagluksa niyo ba ako? Louis? O busy ka sa paghahanap sa mga sagot sa mga tanong mo na may kinalaman kay Bea? Busy ka sa paghahanap kay Bea, tama ba ako?"

Hindi ako makasagot. Sapul na sapul ako. Nung araw na yun ko lang iniyakan at pinagluksa si Eureka kasi after non, si Bea na ang hinanap ko.

"Ma'am wag! Baka kung anong mangyari sayo." Pagtingin ko sa kanila, pinipilit tumayo ni Eureka at pinipigilan naman ni Rosey at nung nurse.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now