Chapter 34

734 19 0
                                    

JP's POV

January 7 na, hanggang ngayon hindi pa rin ako maka move on sa nangyari samin last Friday.

Hanggang ngayon parang nararamdaman ko pa rin yung pagkakahawak sakin sa kwelyo ni Louis.

Pero, san kaya sila nagpunta ni Eureka?

Nagmamadali akong maglakad ngayon kasi late na ako, ewan ko ba kung bakit ako tinanghali ng gising ngayon.

Habang nagmamadali akong maglakad, bigla kong naalala na first subject ko pala ngayon si Ms. Helen. Nako po! Bakit ngayon pa ako tinanghali?

Tinakbo ko na hanggang sa makarating ako sa room namin. Grabe , nakakahingal.

Nung tumingin ako sa loob ng room namin, kitang-kita ko na ang nakabusangot na masungit na mukha ni Ms. Helen. Pag mamalasin ka nga naman.

Napansin ko rin na katabi niyang nakatayo sa unahan si Eureka.

"Good morning Ma'am, good morning classmate, I'm sorry I'm late." Kabado kong sabi.

Nakita kong tumaas ang kaliwa niyang kilay at nag-crossed arms pa, "At ano namang good sa morning maber? Hala sige! Pumasok ka na, baka magbago pa isip ko!"

Dali-dali akong umupo sa upuan ko. Nakakahiya, bakit ba kasi na-late pa ako ngayon.

"Since kumpleto na tayo, pwede ka ng magpakilala. Tell us about yourself Ms.Montecarlo." Pagkatapos ay nginitian niya si Eureka. Nanlaki ang mata ko don, totoo ba talaga to? Nakangiti si Ms. Helen? Para akong namamalikmata ah.

"Hi guys, again I'm Eureka Beanca Montecarlo. You can call me Eureka. That's all, thank you."

"Yun lang Ms. Montecarlo? Pwede bang pakihabaan mo pa?" Magalang na pagsasalita ni Ms. Helen.

Hindi na talaga ako makapaniwala, kanina nakangiti siya, ngayon naman magalang siyang nakikiusap kay Eureka para lang habaan yung speech niya.

"Hindi talaga ako magaling sa ganito pero susubukan ko. Just give me a minute."

"Give me a minute ka pang nalalaman dyan, daming arte. Pa-shades shades pa, kala mong maganda." Umepal na naman tong si Margaux.

"Baka may sore eyes girl. Hahaha!" Ang sabi ni Charla, matalik niyang kaibigan. At pagkatapos ay nag-apir silang dalawa.

"Ms. Lim! Ms. Almeda! That's enough!" Malakas na pagkakasigaw ni Ms. Helen. Yan na naman siya, nakakatakot na naman siya.

Tinanggal ni Eureka yung shades niya, grabe napakaganda talaga niya. Yung mga lalaki dito samin, halos lumuwa na ang mata sa kakatitig kay Eureka.

"Lim pala ang apelyido mo? May kilala ka bang Juancho Lim?" Juancho Lim? Tatay ni Margaux yun ah?

"He's my Dad! Why?" Pagtataray ni Margaux.

"So you're  the heir of  LIMited Jewelries?"

"Yah! And I assure you na kahit anong gawin mo, hindi ka namin pagbebentahan ng jewelries." Pataas-taas pa ang kilay ni Margaux.

"Really Ms. Lim? Hahaha! Watch your words, baka isang araw halikan mo pa ang mga paa ko para lang bilhin ko yung mga tinda niyo." Pagkatapos ay nagtawanan ang buong klase sa sinabi ni Eureka.

Tumingin si Eureka kay Charla, "And for you Ms. Almeda, I assume you're the daughter of Alfredo Almeda? The owner of Almeda Supermart."

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now