Chapter 40

646 15 3
                                    

Margaux's POV

Ang awkward ng ambiance dito sa ospital. Napakatahimik. Wala ni isang maglakas ng loob para basagin yung katahimikan.

Habang nakaupo kami, chinat ko si JP kahit magkatabi lang naman kami. Niyaya ko siya na bumaba muna sa canteen ng ospital, para na rin makapagpahinga si Louis. Tsaka di rin kasi ako mapakali. Ang daming tumatakbo sa isip ko.

Hindi mawala sa isip ko yung mga pinaggagagawa ko kay Eureka. Biglang nag flashback sakin lahat, pati yung mga ginawa ko kay Bea. Andaming nadamay na inosenteng tao, andami kong nasaktan. Pati yung sarili kong bestfriend sinaktan ko dahil lang sa inggit.

Oo, inaamin ko na ngayon, na inggit ako kay Bea. Siya yung magaling, siya yung matalino, siya yung mahal ng taong mahal ko kahit na mas maganda ako sa kanya at mas sexy.

"Huyyy!" Malakas na sabi sa akin ni JP habang niyuyugyog ako.

"H-ha? May sinasabi ka?"

"Kanina pa ako nagkukwento, hindi ka pala nakikinig." Pagkatapos ay inirapan ako na parang bakla.

"Sorry." Wala na akong ibang nasabi.

"Anyway, napansin mo ba si Louis kanina? Grabe ang pinayat no?" Pagtatanong niya sakin.

Kasalanan ko to, kung bakit siya nangangayayat ngayon. Kung hindi kami nag-away ni Eureka, hindi siya mahuhulog.

"Huyyy! Ano bang iniisip mo?" Muli niya akong niyugyog kaya natauhan ako, "Ah oo napansin ko nga rin. Pati si Eureka ang laki na ng ipinayat."

Magsasalita pa sana siya ng may biglang tumawag sa akin.

"Hello?" Panimula ko.

"Nasaan ka?" Boses pa lang, alam ko na kung sino.

"Dito po sa ospital, ikaw nasaan ka Daddy?" Pagtatanong ko.

"Nandito ako sa police station ngayon, may inaasikaso lang."

"Pwede akong pumu—"

"WAG!" Biglang naputol yung sasabihin ko kasi bigla siyang sumigaw. Nagulat ako don. "Bakit?"

"Basta wag kang pupunta!" Pautos niyang sabi habang malakas na ang boses niya. At pagkatapos ay pinatayan niya na ako.

Ano kayang ginagawa niya sa police station?

"Si Tito ba yun? Asan daw siya?" Napatingin ako kay JP nung magsalita siya.

"Ah, oo. Nasa police station daw siya may inaasikaso. Sabi ko nga pupunta ako pero nagalit. Kaso hindi talaga ako mapakali."

"Gusto mong samahan kita?" Nagulat ako sa tanong niya. Bakit ang bait ngayon sakin ni JP. Ano ba JP, wag kang ganyan. Marupok ako pagdating sayo hehe.

So ayun, sinamahan niya ako sa police station. Nung makita ko yung likod ni Daddy, agad akong lumakad palapit sa kanya.

Bago ako tuluyang makalapit kay Daddy, may biglang humawak sa kamay ko at pinosasan ako. Ano to, bakit ako pinosasan? Tumingin ako don sa humawak ng kamay ko, "B-bakit p-po may posas ako? Pakitanggal naman po, pupuntahan ko pa ang Daddy ko."

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon