Chapter 21

957 37 2
                                    

JP's Pov

Kahit ako ay napaiyak din sa balita. New year's eve pa naman ngayon.

Aligaga sina Tita ngayon, nagmamadali sila dahil pupuntahan nila si Bea. Naglakas loob na ako, "Tita, gusto ko pong sumama." Napatingin sakin silang lahat.

Unti-unting lumapit sakin ang papa ni Bea, "Gusto mong sumama?" Hindi ako makasagot. "GUSTO MONG SUMAMA HA?!" This time, sumisigaw na siya.

Hinawakan niya ako ng mahigpit at dinala sa labas. "Sige, upo!" Pautos niyang sabi. Nakakatakot siya.

Nang makarating kami sa PGH, "Ms., kay Bea Bianca Sandoval?"

"Sumunod na lang po kayo sakin." Sabi nung babaeng napagtanungan.

Habang naglalakad kami ay nililibot ko ang aking mga mata. "Andito na po tayo." Natauhan ako nung biglang nagsalita yung babae.

"Ano toooooooo? Bakit tayo nasa morgue?!" Halata sa boses nung papa ni Bea na parang nanghihina siya. Kahit ako ay nanghihina rin, hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya, sa lahat ng masasamang nagawa ko.

Dahan-dahan kaming pumasok sa loob ng morgue, maingat naming tinitignan ang mga pangalan ng mga patay doon hanggang sa may makita kaming nakasulat na Bea Bianca Sandoval.

Nakita kong napayukom ang kamay nung Papa ni Bea, wala ni isang maglakas ng loob na tanggalin ang puting kumot na nakasaklob sa nasabing katawan ni Bea, hanggang sa may lumapit sa aming lalaki.

"Sir, kayo po ba ang kamag-anak? Maaari niyo po bang kumpirmahin kung sa kanya ang mga gamit na ito?" Sabay abot ng isang plastic bag na may lamang mga gamit.

Kinuha ni Tita yung plastic bag at isa-isang inilabas. Kay Bea nga ang mga gamit na nasa loob. Hinalungkat pa nila ang mga gamit, nang binuklat nila ang wallet ni Bea, may mga nahulog sa sahig. Totoo ba to? Tanong ko sa aking sarili. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, mga tuyong talulot ng bulaklak. Pinulot ko ang mga ito at pinagmasdan ng mabuti. Hindi ako pwedeng magkamali, ito yung mga talulot ng mga puting rosas na ibinigay ko sa kanya noong alukin ko siyang maging date para sa Christmas Ball.

"ANOOOOO?!" Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses nung Papa ni Bea.

"P-po?" Utal-utal kong sagot.

"Kanina pa ako nagsasalita, hindi ka nakikinig?!" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kwelyo, "Tignan mo! Tignan mo ang idinulot ng kawalanghiyaan mo! TIGNAN MOOO!" Hinila niya ako papalapit kay Bea at tinanggal niya ang kumot na nakasaklob. "TIGNAN MO! Tignan mo ang ginawa mo sa anak ko!" Wala akong ibang nagawa kundi pumikit, hindi ko magawang imulag ang mga mata ko. Naramdaman ko na lang na binitawan na niya ako.

Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Tita na pinapakalma yung Papa ni Bea.

Lumapit yung Papa ni Bea sa katawan ni Bea at niyakap. "Bea, anak... Andito na si Papa. Gising ka na Bea, natatakot na si Papa." Yinuyugyog niya na ang katawan ni Bea.

Nilapitan na siya ni Tita, "Tama na Pa. Tignan mo ang anak natin, napakaganda niya. Mukhang maganda panaginip niya ngayon." Doon na sila humagulgol.

Habang nag-aantay kami sa funeral service na kukuha sa katawan ni Bea ay nilapitan ako ni Tita. "JP, umuwi ka na. Kami na bahala kay Bea. Salamat."

"Okay lang po a..."

"Please." Nginitian niya ako bago siya tumalikod.

Siguro dapat ko nga muna silang iwan. Nalulungkot ako sa nangyari kay Bea. Hindi ko naman ginusto to. Gusto ko lang naman na mahalin ako ng taong mahal ko.

"Oh anak, anong nangyari? Napanood ko yung balita." Bungad sa akin ni Mommy nung makauwi ako sa amin.

"My, makukulong ba ako?" At doon ako umiyak sa kanya. Niyakap niya ako, "Tahan na JP, wala na tayong magagawa. Hindi na natin maitatama ang mga maling nagawa, pero pwede tayong bumawi sa kanila. Hindi kita iiwan sa laban mo." Lalo akong napaiyak sa sinabi niya.

"JP, gising na." Nakatulog na pala ako kakaiyak kanina.

"Anong oras na ba My?"

"9 PM" napabalikwas ako sa narinig ko. "Bakit hindi niyo ako ginising?"

"Hinayaan muna kitang magpahinga, mukhang pagod na pagod ka."

"S-si Bea! Kailangan kong puntahan si Bea." Bumangon na ako sa kama at dumaretso sa cr para maligo.

"Bilisan mo, may dadaanan pa tayo bago pumunta kala Bea!" Yan ang huling sinabi ni Mommy bago siya lumabas ng kwarto.

Dumaan muna kami sa gawaan ng bulaklak at kinuha yung pinagawang bulaklak ni Mommy para sa burol ni Bea.

Nang makarating kami kala Bea, "Grabe, andaming tao." Bulong sakin ni Mommy.

Totoong napakaraming tao, kalimitan ay mga schoolmate namin.

Pumasok kami ni Mommy sa bahay nila Bea, tumayo yung Papa ni Bea nung makita kami. "Anong ginagawa niyo dito?" Panimula niya.

"Nakikiramay po kami." Sagot ko at iniabot ko sa kanya yung bulaklak.

Kinuha niya ang bulaklak at itinapon sa labas, "Hindi ko kailangan ng pakikiramay niyo! Umalis na kayo hanggat maayos pa akong nakikipag-usap sa inyo."

"Wag niyo naman po kaming paalisin Sir, kung buhay si Bea hindi niya gagawin to."

Nakita kong nanlisik ang mga mata niya sa sinabi ko. Lumapit siya sakin ng napakalapit at hinawakan ang braso ko, "Sino ka para sabihin na hindi gagawin ni Bea to?! Sino ka para banggitin ang pangalan niya?! Hindi mo ba nakikita?!" Kinaladkad niya ako papunta sa harap ng kabaong ni Bea at iniharap ang mukha ko sa mukha ni Bea.

"Hindi mo pa rin ba nakikita ha?! Tignan mong mabuti ang anak ko!  Mukha ba siyang masaya sa kalagayan niya ngayon?! Hindi ako nagpakahirap sa ibang bansa para lang makitang ilibing ang anak ko. Hindi ang magulang ang naglilibing sa anak! Ang anak dapat ang naglilibing sa magulang!" Pagkatapos ay binitawan na niya ako at umupo siya sa upuan sa harap ni Bea. Doon na siya nagsimulang umiyak ulit.

Lumapit sakin si Mommy, "Okay ka lang ba JP? Sa tingin ko dapat na tayong umuwi. Bumalik na lang tayo kapag handa na silang kausapin tayo."

Paalis na sana kami kaso pinigilan kami ni Tita. "San kayo pupunta?"

"Tita, pinapaalis na po kami ng asawa niyo. Babalik na lang po kami bukas." Pagpapaalam ko kay Tita.

"Pasensya na kayo, nabigla lang ang asawa ko. Siguro nga mas mabuti para sa ating lahat kung aalis muna kayo. Hayaan mo JP, kakausapin ko ang Tito mo para makapunta ka bukas." Pagkatapos ay niyakap niya ako saglit. "Sige na, mag-iingat kayo." Dagdag pa niya.

Bago kami tuluyang umalis ay lumapit si Mommy at niyakap si Tita "Maraming Salamat, Mrs. Sandoval."

--*

Sorry guyssssss. Sorry talaga.

Pero sana wag niyo pong pangunahan yung kwento. Kung bakit pinatay ang character ni Bea. Basta po.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now