Chapter 8

1K 28 0
                                    

Bea's Pov

"Wala akong gagawin. Nagpaalam na ako sa adviser ko. Kahit isang araw, isang buwan, isang taon pa yan. Babantayan kita. At tsaka nagdala ako nito oh." Tinaas taas niya yung isang balot ng pagkain.

Nagwawala na ang mga alaga ko pero nakakahiya naman. Tinatarayan ko siya tapos ngayon may dala pa siyang pagkain.

"Ayy bes, may gagawin pa pala ako."

"Bessss!" Sigaw ko.

Nginitian niya lang ako ng nakakaloko.

Umupo yung lalaki sa may tabi ko, "alam kong gutom ka na. Gutom na rin ako. Sorry nga pala kanina. Hindi ko naman alam. Di ko na ulit yun babanggitin."

Naguilty tuloy ako sa pagtataray ko sa kanya, "Ano bang pangalan mo?"

"Rafael."

"Okay, Rafael. Sorry dun sa inasal ko kanina, and thankyou kasi binantayan mo ako kahit hindi tayo magkakilala." Kiniss ko siya sa cheeks.

Hindi na siya nakapagsalita. "Ano ba yang dala mo? Nagugutom na nga ako."

"Ah.. Eh.."

"Huyyy! Thankyou kiss lang yon." Baka kasi yun ang dahilan kung bakit hindi siya makapagsalita.

Sino ba namang di magugulat sa ginawa ko? Kahit ako nagulat ako sa ginawa ko.

"A-alam ko. May dala akong kanin tsaka ulam. Beef steak ang ulam. Bumili na rin akong slurpee." Mind reader ba siya? Puro favorite ko to ah?

"Okay, may one hour pa tayo para kumain. Aattend ako ng klase sa hapon, umattend ka rin Rafael. Akin na yung akin, kumain na tayo."

"No,no,no."

"No,no,no ka dyan. Diba dinalhan mo ako ng pagkain, akin na. Dali naaaa, nagwawala na mga alaga ko sa tiyan." Tinitigan ko siya ng masama pagkatapos ay napatawa kami pareho.

"Hayaan mo akong alagaan ka. Behave ka lang dyan. Susubuan kita."

"Ano ako bata?"

"Ngayon lang to, sige ka. Magsisisi ka. Hahahaha."

Dahil gutom na gutom na ako, wala akong ibang nagawa. Habang sinusubuan niya ako ay may biglang pumasok sa kwarto, "Bea may dala akong pagkain baka kasi..." nabitawan niya yung dala-dala niya.

"Anong ibig sabihin nito? Bea? Sino yan? Nag-aalala ako tapos ikaw nakikipaglandian lang?! The fck Bea!"

Tatayo na sana si Rafael pero pinigilan ko.

"Kung may malandi man sating dalawa, ikaw yon JP! Lumabas ka na! Dun ka na kay Margaux!"

Lumabas din naman agad siya. Pagkatapos naming kumain, umalis na kami ng clinic.

Habang naglalakad kami papunta sa room, "Thankyou ulit Rafael, nabusog ako."

"Halata naman sa katawan mo." Pang-aasar niya.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon