Chapter 30

862 27 2
                                    

JP's POV

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa may makita akong tricycle. Inarkila ko yung tricycle hanggang sa kanto nila Bea. Mula kanto, tumakbo ulit ako hanggang sa makarating ako sa tapat nila Bea.

Katok ako ng katok, "Bea buksan mo."

*tok* *tok* *tok* *tok*

Kalahating oras na ata akong kumakatok, umupo na lang ako sa harap ng pinto nila Bea.

Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon, posible kayang mabuhay ang taong patay na? Baka naman namamalikmata lang kaming lahat? Baka naman nagpakita lang samin si Bea kaya biglang nawala yung babae.

Umuwi na ako nung nakapag-isip-isip na ako. Naligo agad ako pagkauwi ko at pagkatapos ay humiga sa kama.

Binuksan ko ulit yung fb ko, tinignan ko yung post ni Rafael sa group ng school namin. Eto siguro yung ginagawa niya sa party kaya siya cellphone ng cellphone. Pero bakit kaya hinahanap yung babae? Pareho kaya kami ng iniisip?

Tinurn on ko yung notifications ko para dun sa post ni Louis, naku-curious din kasi ako.

Nagbasa-basa ako ng mga comment.

Sino kaya yun?

Ang ganda niya, sobra.

Para siyang anghel na bumaba sa langit.

Ilan lang yan sa mga comment na nabasa ko, nagkakagulo ang lahat ng estudyante sa school namin lalo na ang mga lalaki, ng dahil lang dun sa babae.

Christmas Day na ngayon, wala akong ganang lumabas ng bahay. Dati, umaga pa lang napunta na dito si Margaux. Niyaya ako ni mommy na gumala at manood ng sine, hindi naman ako makatanggi kaya gumala kami.

Kumain muna kami pagkatapos ay tumingin-tingin ng mga damit, bumili ng mga nagustuhan. Nag-grocery na rin kami para sa New Year's Eve. Bumili kami ng pang-baked mac, macaroni salad, coffee jelly, fruit salad, ref cake, at syempre hindi mawawala ang jamon pati na rin ang litson.

Ilang araw na ang nakalipas, wala pa ring balita dun sa babae. Tama nga ako, baka nagpakita lang samin si Bea non para ipahiwatig na okay na ang lagay niya.

The day before new year's eve, may nag-post sa group na gaganapin ang Math Month sa January. Ganun pa rin, yung mga contest pa rin tulad ng dati, slogan making, poster making, tsaka spoken word poetry. Simultaneous pa rin kaya dapat isa lang ang salihan.

Yung contest ay gaganapin sa 1st Friday of January, which is January 4. Imbis na January 7 pa ang balik namin, naging January 4, para daw wala ng maapektuhan na klase. Para by January 7, regular class na.

Hinabol lang naman kasi tong Math Month, hindi kasi natuloy nung November, hindi pinayagan ng Dean kasi yung iba naghahabol para sa finals. Buti nga natuloy pa to, balita ko si Louis ang mag-e-emcee ngayon sa spoken word poetry. Simula nung nawala si Bea, hindi na siya sumali.

January 4 na, pumunta kami ni Martin sa auditorium kung saan gaganapin yung spoken poetry, syempre kasama namin si Mia. Hindi kami ganun ka-close ni Mia kasi galit din siya sakin dahil sa ginawa ko kay Bea.

Nagsimula na yung contest and we find it boring. B-O-R-I-N-G talaga hanggang sa matapos yung huling contestant, alam mo yung parang mema lang.

"Okay... We'll be right back in just a few minutes." Pababa na si Louis ng stage para makipag-usap sa mga judges pero napaatras siya pabalik ng stage nung may isang babaeng naka sumbrero ang umakyat at tumayo sa harap ng mic. "Pwede pa bang humabol?" Mahinang sabi nung babae. Hinayaan lang siya ni Louis.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now