Chapter 2

1.8K 56 2
                                    

Bea's Pov

"Ganito kasi yun Ma..." Pagtuloy ko ng kwento.

.

Nage-fb ako ngayon, at tama ang iniisip niyo. In-accept ko yung friend request ni JP. Syempre sino ba namang hindi mag-a-accept sa crush niya nu?

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Yung dating tinatanaw ko lang, abot-kamay ko na ngayon.

Nagbabasa ako sa secret files ngayon ng school namin. Habang nagbabasa ako ay may post na nakapukaw ng atensyon ko. Base sa information, 11:59pm ito isinend.

Hi admins. Pwede pa post? Tungkol ito sa babaeng laging nandyan para sa akin. Hindi ko inakala na magkakakilala tayo pero mabuti na lang at nagkakilala tayo. Ikaw lagi ang dumadamay sa akin kapag may problema ako. Pero alam niyo guys, siya yung tipong masayang kasama. Pagkatapos nung nangyari sa school, nagkakachat na kami pa minsan minsan, hanggang sa nagtetext at nagtatawagan na kami. Lagi na rin kaming nagkakasama, halos araw-araw. Kaya salamat sayo.
-Mr. Lecheflan

Nang mabasa ko ang post na yun ay ramdam kong siya yung nagconfess non. Hindi ako pwedeng magkamali kasi alam ko kung paano siya magtype. Kahit na nakokornihan ako sa secret files na yan, sinagot ko yung confession niya.

Hello admins permission to post. Para po ito kay Mr. Lecheflan. Hi Mr. Lecheflan, salamat din sayo. Kahit saglit pa lang tayong nagkakilala, aaminin kong naging masaya ako. Hindi ko na hahabaan ang sasabihin ko dahil nakokornihan talaga ako dito. Hahaha! Thank you very much.
-Ms. Ube Halaya

Pagkasend ko nito ay agad namang naipost. Nagtataka siguro kayo kung bakit may Mr. Lecheflan at Ms. Ube Halaya. Kapag nagconfess ka kasi, it depends on you kung itatago mo ang sarili mo o magpapakilala ka. Buong school ang makakabasa ng mga pinopost doon.

Mga ilang minuto lang ay marami ng nagcomment. May mga kinikilig dahil may loveteam kuno daw na nabubuo sa secret files. Sa codenames pa lang daw namin ay mahahalata mong may something. Actually, wala lang kasi akong maisip na codename kaya pinartneran ko na lang yung lecheflan.

Para akong nananaginip lang. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Habang lumilipas ang araw ay lalo pa kaming mas nagiging close.

Nasa cafeteria kami ngayon.

"Bea, may gagawin ka ba mamaya?" Pagtatanong ni JP.

"Wala naman, bakit?"

"Nood tayong sine?" Pang-aalok niya.

"Wag na." Pagtanggi ko.

"Tama! Wag na nga! Tayo na lang ang manood Baby!" -Margaux
Sabay backhug niya kay JP.

Eto na ang kontrabida sa buhay ko. Ang epal na si Margaux. (Di ko na siya ipapakilala, makikilala niyo rin siya.)

Agad na tinanggal ni JP yung kamay ni Margaux, sabay hawak sa kamay ko at sinabing "Let's go, Bea. Masyado ng toxic sa lugar na to."

"Wait!" Sigaw na Margaux, kaya nagtinginan samin lahat. "What? Toxic? Dahil ba sakin?"

"Ayy hindi. Baka dahil sakin. Ano sa tingin mo?" Pambabara ni JP.

Nagtawanan ang lahat ng tao sa cafeteria, kitang kita ko ang mukha ni Margaux habang papalayo kami.

Nang makalayo-layo kami, "wait lang, napapagod na ako. Ang bilis mong maglakad." Pagrereklamo ko.

Tumingin siya sakin, "Hala ka, sorry Bea. Hindi ko sinasadya, okay ka lang ba?"

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now