Chapter 18

769 25 1
                                    

Bea's Pov

"NOW!" Sigaw ng isang lalaki, alam kong boses ni JP yon. Napangisi na lang ako.

Naramdaman ko na lang ang pagbuhos sa akin ng kung ano, kasabay ang pag-alingasaw ng mabahong amoy.

Narinig ko ang tawanan ng mga tao. Tinanggal ko ang piring sa akin, nakita ko ang napakaraming cellphone na nakatutok sa akin.

"Yan ang bagay sayo, kaning baboy! Masyado kang pilingerang baboy ka!" Sigaw ng isang babae. Kahit na hindi ko maaninag ang mukha niya kasi madilim, hindi ako pwedeng magkamali.

Hindi ako makagalaw. Tumingin lang ako kay JP na parang tinatanong kung bakit niya nagawa to.

"Oh bakit mo ako tinitignan ng ganyan kasama?" Tanong niya habang tatawa-tawa. "Akala mo siguro nasa fairytale ka no? Na ang gwapong katulad ko, magkakagusto sayo?!" Dagdag pa niya.

Magsasalita na sana ako kaso nagsalita ulit siya. "Oo nga pala, alam mo yung mga posters na iniyakan mo nung isang araw? Yung mga posters na nakalagay sa bulletin?..."

Biglang bumalik sakin lahat nung namgyari nung isang araw. Hindi ko na inintindi yung mga sinasabi ni JP.

Flashback

Papasok pa lang ako non sa room nung makita ko na maraming tao sa may bulletin board. Naiintriga ako kaso malelate na ako kaya pinili kong dumaretso papuntang room. Kaya lang, may biglang humila sakin, hindi ko sila kilala pero nagtatawanan sila.

Dinala nila ako sa harap ng bulletin board. Napayukom na lang ang kamao ko sa nakita ko. Mga picture ko na edited, nakapatong ang mukha ko sa katawan ng baboy. May nakasulat pang "Campus Bigatin" "Campus Bitch", etc.

Alam mo yung feeling na hindi ka naman duwag pero hindi ko naipagtanggol ang sarili ko. Tumiklop ako bigla. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak sa CR.

Wala naman akong ginagawang masama sa kanila, pero bakit ganun? Bakit nila ako pinagpepyestahan? Bakit nila ako ginaganito? Bakit tuwang-tuwa silang kinukutya ang ibang tao? Bakiiiiiiittttttttt?

End of Flashback

"Wag mong sabihing..."

"OO! OO BEA! Tama ka! Ako ang may pakana non! Pinlano ko ang lahat ng to! Simula doon sa pag-aaya ko sayong mag-date tayo, hanggang sa dumating si Margaux. Okay na sana kaso biglang umepal yang si Rafael! Nung napansin kong napapalapit ka na kay Rafael, gumawa ako ng paraan para mapalapit ka ulit sakin. Kaso ayaw mo na akong makadate gawa ni Margaux. Kaya alam mo ang ginawa ko?"

Ngumisi lang ako at saka nagsalita "Kaya ba biglang nagkaroon ng ibang date si Margaux?"

"Tama! May utak ka rin pala no! Kasi masisira ang plano ko, matagal kong pinagplanuhan to. Matagal kitang tinrabaho kaya ginawa ko ang lahat para pumayag kang makipagdate ulit sakin!"

Nagkamali ako. Walang ibang dapat sisihin kundi ako. Nagkamali ako ng taong nagustuhan.

"Konting paawa lang, pasweet, booooommmm! Nauto na agad kita! Hahahaha! Alam mo, NAKAKAINIS KA! MAY PAGHALIK HALIK PA SA PISNGI KO, KADIRI KANG BABOY KA! MANALAMIN KA NGA! SIMULA NGAYON, AYOKO NG MAKITA PAGMUMUKHA MO! SANA MAWALA KA NA SA PANINGIN KO! NANDIDIRI AKO SA MGA PINAGGAGAGAWA KO!" Ibig ba niyang sabihin, hindi siya sincere sa mga nangyari samin noon? Na scripted lahat ng yon? Pero bakit ganon? Bakit yung impact sakin parang totoo lahat?

Nakayuko na lang ako, nanggagalaiti na ako. Naiiyak na ako pero kailangan kong magpakatatag.

"ANO WALA KANG MASABI? DIBA SABI MO SAKTAN KITA SA MAPAIT NA KATOTOHANAN? ETO YUNG MAPAIT NA KATOTOHANAN NA INAANTAY MO!"  Di ko naman alam na ganito pala kasakit malaman yung mapait na katotohanan. Kaya pala yung iba, mas gusto yung matamis na kasinungalingan.

"ANOOOOO! MAGSALITA KAAAAA!" Sigaw pa niya.

Nakakarindi, rinding rindi na akooooo! Pero kailangan ko pa ring pigilan ang sarili ko, baka kung anong magawa ko. "Gusto mong magsalita ako? Sige!  Akala ko iba ka, mas malala ka pa pala. Mas nakakadiri ka! Pwe!" Pagkatapos ay dinuraan ko ang sapatos niya na ikinagalit niya.

"Ginagalit mo talaga akong baboy ka! Matapang ka na ah! Patay ka sakin!" Nanlilisik ang mga mata niya, parang anytime makakapatay siya.

"IKAW NA NGA NAKAPANAKIT, IKAW PA MAY GANANG MAGALIT, ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO! San ka humuhugot ng kapal ng mukha?" Pambubwisit ko sa kanya, literal na pambubwisit. Di ako pwedeng maging mahina ngayon, hindi ko na nga naipagtanggol sarili ko dun sa posters, pati ba naman dito? No! Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko!

Hinayaan ko ang kaning baboy sa katawan ko. Lumapit ako kay JP at nginitian siya, "Alam mo dati, patay na patay ako sayo. Ngayon, gusto na kitang patayin pero hindi naman ako ganon kasama, hayaan mo, isang araw mawawala na lang ako na parang bula. Ano? Masaya ka na ba? Sana masaya ka na sa ginawa mo. Thank you sa lahat JP. Thank you din sa gabing ito, nag-enjoy ako. Pati na rin sa laro mo, thanks. Sayang nga lang kasi di ako nakasabay sa larong pinagbidahan mo at pinagbidahan ko." Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako magsalita ulit, "PARA LALO KANG MANDIRI" bago ako tuluyang umalis.

.

"Oh tapos?" Tanong sa akin ni Mama.

"Tapos na." Sagot ko naman.

"Putol. Bitin. Ano yon umalis ka na lang? Hindi ka man lang nagalit? Walang sampal?" Hayy nako, eto na naman si Mama. Sandamakmak na tanong.

"Ma, easy. Mahina kalaban. Hindi ko magawang magalit sa kanya." Nagulat siya sa sagot ko.

"ANO! Di ka man lang nagalit? Pwes ako galit na galit sa kanya! Asan yang lalaking yan? Napakawalanghiya! Walang modo! Di tinuruan ng magandang asal! Wag siyang papakita sa akin!"

Para lang po sa kaalaman niyo, hindi po OA ang mama ko. Talagang galit na galit na siya nyan.

"Ma! Tama na. Hayaan mo na lang."

Tumahimik naman si Mama nung sinabi ko yon.

"Kaya ba gusto mong lumipat?"

"Opo, Ma." Tipid kong sagot.

"Dahil lang sa lalaki, lilipat ka? Anak, ganyan talaga pag first love. Lilipas din yan." Tignan niyo yan si Mama, kanina galit na galit tapos ngayon, ay ewan!

"Ma, hindi lang po dahil sa lalaki. Diba maraming cellphone ang nakatutok noon?"

"Oo, nabanggit mo nga."

"Halos lahat sila inupload yung video, cut na. Puro dun na lang sa tinapunan ako ng kaning baboy. Ok lang sana kung sa school lang namen kumalat. Pero hindi ganun ang nangyari e. Kumalat ito kung saan-saan. Kahit sa ibang bansa, trending na din ako. Wala na akong mukhang maipapakita pa." Sabay hagulgol kay Mama.

Sa totoo lang, napakasakit ng ginawa nila sakin. Sobrang sakit. Gusto ko na ngang mamatay e. No! Gusto ko ng magpakamatay.

Alam niyo yung feeling na lahat ng makakakita sayo ay iniiwasan ka na para bang may sobrang nakakahawa akong sakit. Lahat sila pinandidirihan ako nang dahil sa video na yun!

Ang hindi ko lang maintindihan, ako na nga ang agrabyado, ako pa ang hinusgahan. Ano bang mali sakin? Mabait naman ako, hindi ako nang-aapak ng ibang tao.

Kahit na masakit ang ginawa nila sakin, tinanggap ko yon. Tinanggap ko yon ng maluwag sa puso ko. Hindi ako galit sa ginawa nila. Wala e, mahal ko. Kasalanan ko ba kung naiintindihan ko siya? Kasalanan ko ba kung mahal ko siya?

"Beaaaaaaaa! Tanghali naaaaaaa!" Nagising ako sa lakas ng sigaw ni Mama.

"Opooooo! Pababa na po."

--
Baka po malito kayo, eto po yung nagkukwento si Bea sa Mama niya. Dito na po natapos yung pagkukwento niya.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now