Chapter 7

1K 29 1
                                    

Bea's Pov

Pagkababa ko ng tricycle, tumakbo ako ng tumakbo.

Takbo rito, takbo roon.

Hanggang sa nakikita ko na ang gate ng school na pinapasukan ko at si....

Si JP at Margaux, sweet sa isa't isa. Baka nga totoo yung sinasabi ni Margaux na sila na.

Ibinaling ko sa iba ang tingin ko, nung makarating na ako sa loob ng school, "Bea...boy!" Si Manong Guard. "Umabot ka pa, t-teka bakit ganyan ang itsura mo?"

Hindi pa ako nakakasagot ay may biglang pumalakpak. "Wow, ang bilis mong tumakbo ah. Napahanga mo ako don."

Unti-unti akong humarap sa kanya, biglang nanlamig ang pakiramdam ko. Ramdam kong pinagpapawisan ako ng malamig.

Napatakbo siya papalapit sakin ng makita niya ako. "B-bakit ganyan ang itsura mo? Anong nangyari? Okay ka lang ba? Bakit ba kasi bumaba ka ng tricycle?"

Hinawakan niya ang noo ko "Juskooo, anong nangyayari sayo? Napakalamig mo, napakaputla mo."

Tinanggal ko ang kamay niya sa noo ko, "Sino ka ba? Mas okay siguro kung hindi na tayo magkikita dito sa school na to."

Naglakad na ako papuntang room. Hindi pa ako nakakalayo ay biglang nandilim na ang paningin ko.

Bakit ganun? Napasakit ng ulo ko. Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Bakit parang ang ingay?

"...Kasalanan ko to, kung hindi kita hinayaan, hindi mangyayari sayo to. ... Gumising ka na, pinag-aalala mo lagi ako Bianca. Hindi mo alam kung gaano kita namiss. ..." Sino yung nagsasalita? Nakakainis naman, bakit ba kasi hindi ko maimulat ang mga mata ko?

Pagmulat ng mata ko, inilibot ko ang mga mata ko. Nasaan ako? Medyo malabo pa ang paningin ko. Hanggang sa may nakita akong lalaking nakatungo sa may kama habang hawak ang kamay ko. Si JP, hawak ang kamay ko?

Inilibot ko pa ang mga mata ko, hanggang sa nahagip sa paningin ko ang isang babae at isang lalaki. Sino naman kaya ito.

Hindi pa ako makapagsalita, hinang hina ako. Hanggang sa may narinig na lang akong boses ng babae.

"What are we doing here ba? Let's go na." Sino kaya to? Hindi naman boses ni Mia to. Pero si Mia lang naman ang kaclose ko na babae sa school?

"Shhhh, wag kang maingay. Hindi mo ba nakita yung nangyari kanina?" Parang pamilyar sakin ang boses niya.

"Idc kahit mamatay pa siya!" Napakasama naman ng ugali nitong babaeng to, sure akong hindi talaga si Mia to.

"MARGAUX! Halika nga sa labas!" Sigaw nung lalaki.

Si Margaux pala yung babae, sino yung lalaki? Kung si Margaux yung babae, ibig sabihin ba non, si JP yung lalaki? Kung si JP yung lalaki, sino tong may hawak ng kamay ko?

Bago pa sila makalabas ng kwarto, naliwanagan na ako, hindi lang ako, pati na rin ang paningin ko.

Ipinikit ko na lang ulit yung mga mata ko. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Hindi ko mapigilang hindi masaktan.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Sa tingin ko kailangan kong tanggapin na sila na ni Margaux. Ganon talaga. Hindi kasi ako maganda, ang taba taba ko pa kaya hindi ako ang pinipili.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن