Chapter 51

454 9 4
                                    

Rafael's POV

"Okay lang, hayaan niyo ako. Kahit ngayon lang. Gusto kong lumapit kay Louis."

Wala silang nagawa kaya agad naman akong tumayo at sinalubong si Eureka. Bigla naman niya akong niyakap. "Namiss kita Louis. Sobrang namiss kita. Okay lang kahit hindi mo ako hinanap, okay lang kahit hindi mo ako pinagluksa ng matagal. Ang mahalaga andito ka, andito rin ako, pwede ng maging tayo."

Unti-unti kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. "Eureka, sorry. Pero hindi pwedeng maging tayo." Mas lalo akong hindi patatahimikin kung hindi ko sasabihin ang totoo. "B-bakit h-hindi p-pwede? Gusto kita, gusto mo rin a—"

"Hindi kita gusto."

"Paanong hindi mo ako gusto? Gusto mo ako diba? Alam ko yun. Ramdam ko yun. Kaya nga halos hindi ka na umuuwi ng bahay para bantayan ako diba?" Mangiyak-ngiyak na siya habang nagsasalita.

"Sorry talaga Eureka. Nung una nagustuhan kita, pero hindi pala kita gusto. Akala ko lang yun." Harsh na kung harsh pero kailangan ko talagang sabihin ang totoo.

"No! Gusto mo ako! Alam ko yon, ramdam ko yon the way you kissed—"

"Woah. The way I kissed you ba ang sasabihin mo? Hindi naman kita hinalikan noon. Well, sa ospital, hinalikan kita sa noo. Akala ko kasi noon gusto—" hindi ko na naituloy yung sinasabi ko nung biglang may naalala ako.

Bumalik sakin lahat ng alaala ko nung unang araw ni Eureka sa school, sinuntok ko si JP, inawat niya ako, dinala niya ako sa boxing gym, tapos... "Ibig sabihin... Hindi maaari! Kaya pala sabi ko kanina, pamilyar sakin yung bahay. Yun pala nakarating na pala ako dito.  Tinanong kita. Tinanong kita agad non kung nag-kiss tayo non. Ang sabi mo hindi. Alam mo bang hiyang-hiya ako non kasi tinanong kita ng ganon? Bakit sinabi mong hindi kung totoo naman palang nangyari? Bakit?!"

Niyakap niya ulit ako, "I'm sorry Louis. Sorry talaga. Natakot ako. Natakot ako na kung magpadala ako sa emosyon ko, baka hindi na matuloy yung plano k—"

Tinanggal ko ulit ang pagkakayakap niya sa akin, "Plano? Anong plano?" Agad na umiwas ng tingin sa akin si Eureka, "Ah, wala yun. Planong makapagtapos ng pag-aaral na may latin honors kasi diba kapag nagkaroon ng lovelife, nadidistract sa pag-aaral."

"Sinungaling! Bakit hindi mo sabihin ang totoo? Anong plano ang sinasabi mo? Ngayon ko lang na-realize na sunud-sunod ang mga kaguluhan simula nung dumating ka sa buhay namin. Sabihin mo nga sa akin, ikaw ba ang nag-plano sa lahat ng to? IKAW BA?!"

"OO! OO! AKO NGA! Ako ang nag-plano sa lahat ng to! P-pero hindi ko naman alam na nandito ka rin sa Pilipinas. Nag-dalawang isip ako non kung itutuloy ko pa ba nung nakita kita pero hindi ako pwedeng umatras. Mula dun sa pagpapakita sa Christmas Ball na biglang nawala na parang bula, yung pagsali ko sa spoken poetry, yung video na tinapunan ng kaning baboy si Bea na kumalat habang nagpapakilala ako sa klase, yung pagkalat ng email ni JP para kay Bea, yung pagkaka-aresto kala Margaux, yung email at cake na ipinadala kay Margaux, pati na rin yung invitation ako lahat ang nag-plano non! AKO LAHAT! Ano masaya ka na ba?"

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon